Mabuting Balita l Abril 3, 2024 – Miyerkules episode artwork

EPISODE · Apr 2, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Abril 3, 2024 – Miyerkules

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Abril 3, 2024 – Miyerkules Sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo:  Lk 24:13-35 Nang araw ng Linggo, dalawa sa mga alagad ang naglalakad pa-Emmaus. Sa kanilang pag-uusap at pagtatalakayan, lumapit si Hesus at nakisabay sa paglakad nila pero parang may kung anong hadlang sa kanilang mga mata at hindi nila siya nakilala. Tinanong niya sila: “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo sa daan?” Sumagot ang isa sa kanila: “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Sa paningin ng Diyos at ng buong baya’y isa siyang propetang makapangyarihan sa gawa at salita. Ngunit ipinako siya sa krus. Umaasa pa naman kaming siya ang tutubos sa Israel ngunit ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ang lahat ng ito. Hindi ba’t kailangang magdusa nang ganito ang Mesiyas bago pumasok sa kanyang luwalhati?” At sinimulan niyang ipaliwanag sa kanila ang lahat ng sinabi ng Kasulatan tungkol sa kanya. Nang malapit na sila sa nayong pupuntahan nila, parang magpapatuloy pa siya ng paglakad. Pero pinilit nila siya: “Manatili kang kasama namin dahil dapithapon na at lumulubog na ang araw.” Kaya pumasok siya at sumama sa kanila. Nang nasa hapag na siyang kasalo nila, kumuha siya ng tinapay, nagpuri at piniraso ito at ibinigay sa kanila. At noo’y nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya, at nawala siya sa kanilang paningin. Nag-usap sila: “Hindi ba’t nag-aalab ang ating puso nang kinakausap niya tayo sa daan at ipinaliliwanag sa atin ang mga Kasulatan?” Noon di’y tumayo sila at nagbalik sa Jerusalem. Pagninilay: Isinulat ni Sr. Rose Agtarap ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Sa lahat ng kwento ng Resurrection, ang kwento ng dalawang alagad sa daan patungong Emaus ang paborito ko. Para kasing nakikipaglaro si Hesus ng hide and seek sa kanila. Malungkot silang naglalakad nang lumapit si Hesus, pero hindi nila siya nakilala. Ipinaliwanag niya sa kanila ang Banal na Kasulatan tungkol sa kanya, pero wala pa rin. Di pa rin nila gets. Noong makarating sila sa pupuntahan, inanyayahan nila si Hesus na “Tumuloy ka muna rito sa amin.” Kaya’t nagpaunlak si Hesus. Nabuksan lang ang kanilang mga mata noong kumakain na sila – pero bigla namang naglaho si Hesus!  Kapatid, nagpapakita sa atin si Hesus kung kailan hindi inaasahan. Kahit hindi natin siya nakikilala, kasama natin siya; ginagabayan niya tayo at itinuturo niya ang tamang daan. Katulad nitong lumang Icon of Christ and his Friend, yakap ng kanyang kanang kamay ang kanyang kaibigan. Gaano man kagulo o kalungkot ng buhay, laging may pag-asa. Kahit hindi natin naiintindihan kung ano ang nangyayari, pwede tayong magtiwala na may plano ang Diyos para sa atin. Mahal tayo ni Hesus at kasama natin siya sa bawat hakbang ng ating buhay. Manalangin tayo: Panginoon, tulungan mo kaming makilala kang lagi upang mamuhay kami nang may saya at pag-asa. Amen.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Apr 2, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Abril 3, 2024 – Miyerkules

0:00 4:18

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on April 2, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!