Mabuting Balita l Abril 30, 2023 - Linggo  episode artwork

EPISODE · Apr 29, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Abril 30, 2023 - Linggo

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Abril 30, 2023 Linggo sa Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 10:1-10 Sinabi ni Hesus “Talagang talagang sinasabi ko sa inyo. Ang hindi dumadaan sa pintuan sa pag pasok sa kulungan ng mga tupa kundi lumulukso sa ibang dako ay magnanakaw at magdarambong.  Ang pastol ng mga tupa naman ay pumapasok sa pintuan.  Binubuksan siya ng bantaypinto; at nakikinig ang mga tupa sa kaniyang tinig: at tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kanilang ngalan, at inilalabas niya sila.  Kapag nailabas na niya ang tanang kanya, sa harap niya siyang naglalakad, at kanya sumusunod ang mga tupa: sapagka't kilala nila ang tinig niya. Hinding hindi sila susunod sa dayuhan, kundi tatakasan nila siya: sapagka't hindi nila nakikilala ang tinig ng dayuhan”.  Ito ang talinghagang sinabi sa kanila ni Hesus. Ngunit hindi nila maintindihan kong ano ang gusto niyang sabihin sa kanila. Kaya sinabi ulit ni Hesus “Talagang talagang sinasabi ko sa inyo. Ako ang pintuan ng mga tupa.  Magnanakaw lamang at mangdarambong ang lahat ng nauna sa akin, ngunit hindi sila pinakinggan ng mga.  Ako ang pintuan, kong may pumapasok sa pamamagitan ko, maliligtas siya at papasok at lalabas, at makatatagpo ng pastulan. Ang magnanakaw ay hindi dumarating, kundi para lamang magnakaw, pumaslang at magpahamak. Dumating naman ako upang magkaroon sila ng buhay, at lubos na magkaroon nito”. Pagninilay: Isinulat ni Fr. Edward Dantis ng Society of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Sa atin ebanghelyo ngayon, ipinakikila muli ni Hesus ang kaniyang sarili bilang Mabuting Pastol na siyang mahusay na nangangalaga sa kaniyang mga tupa. Pinangungunahan niya ang mga tupa at ligtas silang sumunod sa kanya. Ipinakita niya sa kanila ang luntiang pastulan at payapang batisan. Naririnig ng mga tupa ang kanyang tinig at alam nilang ligtas sila.  Pero, kapag napakaraming tinig na sa paligid, maingay, at ang tinig ng pastol nilulunod nito; ang mga tupa ay naliligaw sa paligid. Gumagala sila, kapag nakalabas na sa kulungan at hirap nang makabalik. Sa panahon natin ngayon, naririnig pa ba natin ang tinig ni Kristo, na ating Mabuting Pastol? Sinusunod ba natin ang Kanyang tinig na nagtuturo at tumatawag sa atin?  O naririnig at sinusunod natin ang ibang mga boses?  Ang boses ng sikat, kasiya-siya at nababagay sa gusto natin? O yung boses na komportable sa atin?  Manalangin tayo:  Panginoon Jesus, na aking Mabuting Pastol, pagkalooban Mo po ako ng biyayang makilala ang Iyong tinig, sa gitna ng samu’t saring tinig na gumagambala sa aking buong pagkatao at kaluuluwa. Amen    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Apr 29, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Abril 30, 2023 - Linggo

0:00 4:44

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on April 29, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!