Mabuting Balita l Abril 5, 2023 – Miyerkules  episode artwork

EPISODE · Apr 4, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Abril 5, 2023 – Miyerkules

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Abril 5, 2023 Miyerkules Santo Ebanghelyo:  Mateo 26:14-25 Pumunta sa mga Punong-pari ang isa sa Labindalawa, ang tinatawag na Judas Iskariote, at sinabi: “Magkano ang ibibigay ninyo sa akin kung ibibigay ko siya sa inyo?  Inalok nila ito ng tatlumpung baryang pilak, at mula noon, naghanap ito ng pagkakataong maipagkanulo siya. Sa unang araw ng Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura, lumapit kay Hesus ang mga alagad at sinabi sa kanya: “Saan mo kami gustong maghanda ng Hapunang Pampaskuwa para sa iyo?”  Sumagot si Hesus: “Puntahan ninyo ang lalaking ito sa lunsod at sabihin sa kanya:  'Sinasabi ng Guro:  malapit na ang oras ko at sa bahay mo ako magdiriwang ng Paskuwa kasama ng aking mga alagad.'” At ginawa ng mga alagad ang lahat ng iniutos ni Hesus at inihanda ang Paskuwa.  Pagkalubog ng araw, nasa hapag si Hesus kasama ng Labindalawa.  Habang kumakain sila, sinabi ni Hesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo:  ipagkakanulo ako ng isa sa inyo.”  Lubha silang nalungkot at nagtanong ang bawat isa: “Ako ba, Panginoon?” Sumagot siya: “Ang kasabay kong nagsasawsaw ng tinapay sa plato ang magkakanulo sa akin.  Patuloy sa kanyang daan ang anak ng Tao ayon sa isinulat tungkol sa kanya ngunit kawawa ang nagkakanulo sa Anak ng Tao; mas mabuti pa para sa taong ito kung hindi siya ipinanganak pa.”  Nagtanong din si Judas na magkakanulo sa kanya: “Ako ba, Guro?”  Sumagot si Hesus: “Ikaw na ang nagsabi.”   Pagninilay: Ang hapunang Pampaskuwa na pinagsaluhan ni Hesus at ng kanyang mga alagad, ay isang pagdiriwang ng pagkakaibigan at pagtitiwalang nagbubuklod sa kanila.  Tunay ngang nakalulungkot na nasira ng pagtataksil ang buklod na ito.  Hindi lamang kasakiman ang dahilan ng pagkakanulo ni Hudas.  Higit sa lahat, bunga ito ng nasirang pananampalataya.  Hindi na rin niya iniisip na kaibigan niya si Hesus.  Ipinagbili niya ito at humanap siya ng pagkakataong maipagkanulo ang kanyang Panginoon.  Kapatid, naranasan mo na bang maipagkanulo ng iyong kaibigan, mahal sa buhay o pinagkatiwalaang tao?  Isang napakasakit at napakalungkot na karanasan ang maipagkanulo, lalo na ng mga taong malapit sa ating puso.  Sinayang nito ang tiwala at winasak ang pagkakaibigan. Tanging ang mga mahal natin sa buhay at mga taong ating pinagkakatiwalaan ang maaaring magkanulo sa atin.  Pero kung malalim ang ating pinagsamahan at wagas ang pagmamahalan sa isa’t isa, magagawa nating magpatawad, sa tulong na rin ng Panginoon.  Ganito kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Kahit paulit-ulit natin Siyang sinasaktan at ipinagkakanulo dahil sa ating kasalanan, patuloy Niya tayong minamahal at pinapatawad. Hilingin nating matularan Siya sa Kanyang walang kundisyong pagmamahal.  Panginoon, tulungan Mo po akong magpatawad sa mga taong nagkanulo, nagtaksil at labis na nakasakit ng aking damdamin.  Amen.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Apr 4, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Abril 5, 2023 – Miyerkules

0:00 4:48

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on April 4, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!