Mabuting Balita l Abril 6, 2024 – Sabado episode artwork

EPISODE · Apr 5, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Abril 6, 2024 – Sabado

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Abril 6, 2024 – Sabado Sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Mk 16:9-15 Una siyang napakita kay Maria Magdalena na mula rito’y pitong demonyo ang pinalayas niya. Umalis siya at ibinalita ito sa mga kasama ni Hesus na noo’y umiiyak at nagluluksa. Ngunit hindi sila naniwala sa kanya nang marinig nilang buhay si Hesus at napakita sa kanya. Pagkatapos nito, napakita naman si Hesus sa ibang anyo sa dalawa sa kanila habang papunta sila sa labas ng bayan. At pagbalik nila, ibinalita rin nila ito sa iba pero hindi rin sila naniwala sa kanila. Sa dakong huli, nang nasa hapag ang Labing-isa, napakita sa kanila si Hesus at pinagsabihan sila dahil sa kawalang-paniwala nila at katigasan ng puso: hindi nga nila pinaniniwalaan ang mga nakakita sa kanya matapos siyang buhayin. At sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang Ebanghelyo sa buong sangkinapal.” Paninilay: Mula sa panulat ni Cl. Eugene Leaño ng Society of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. Anong pakiramdam ng hindi paniwalaan? Masakit, di ba? sobrang sakit, lalong lalo na kung galing sa mga taong mahal mo, at tinuturing mong kaibigan. Syempre nga naman, hindi ka ba nila pinagkakatiwalaan, kaya hindi ka pinaniniwalaan? At anong klaseng kaibigan naman ang meron ka, kung hindi ka pinagkakatiwalaan? Marahil ganito ang naranasan ni Maria Magdalena at ng dalawang alagad sa ebanghelyo natin ngayong araw.  Tunay na nagpakita sa kanila si Hesus, pero kahit anong sigla nila sa pagbabalita, hindi sila pinaniwalaan ng ibang mga alagad. Mawawari na lang natin, kung gaano nakakadismaya, na ang Magandang balitang dala natin ay hindi pinapaniwalaan ng iba. Pero ito ang mensahe ng ebanghelyo natin ngayong araw. Sigurado akong, gagawa ang Panginoon ng kababalaghan sa ating buhay – maaaring ito’y sa maliliit na bagay, maaari rin namang sa malalaking bagay. At tayo’y puno ng galak na ipamamalita sa ating mga kaibigan at kakilala ang ginawang kabutihan ng Diyos sa ating buhay. Pero meron at merong hindi maniniwala sa atin. Sasabihin nila, “coincidence lang yan!” O di kaya nama’y sasabihin nilang, hindi ‘yan gawa ng Diyos kundi ng tao. Sa ganitong sitwasyon, huwag tayong padadaig. Gaya nina Maria Magdalena at ng dalawang alagad na hindi pinaniwalaan, huwag tayong susuko sa pagpapalaganap ng mabuting balita, kahit pa konti ang maniwala sa atin. Ipalaganap natin ang presensya ng Diyos sa lahat, kahit na tayo’y pagdudahan. Sumulong tayo sa pananampalataya!

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Apr 5, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Abril 6, 2024 – Sabado

0:00 4:01

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on April 5, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!