Mabuting Balita l Agosto 1, 2023 – Martes episode artwork

EPISODE · Jul 31, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Agosto 1, 2023 – Martes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Agosto 1, 2023 Martes sa Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon San Alfonso Maria Liguorio, Obispo at pantas ng Simbahan Ebanghelyo: Mt 13:36-43 Pinaalis ni Hesus ang mga tao at saka pumasok sa bahay. Lumapit noon sa kanya ang kanyang mga alagad at nagtanong: “Ipaliwanag mo sa amin ang talinhaga ng mga trigo sa bukid.” Sumagot si Hesus: “Ang nagtanim ng mabuting buto ay ang Anak ng Tao. Ang bukid naman, ang daigdig; ang mabuting buto, ang mga tao ng Kaharian; at ang masasamang damo, ang mga tauhan ng demonyo. Ang kaaway na naghasik sa kanila ay ang demonyo; ang pag-aani ay ang katapusan ng mundo, at ang mga manggagawa ang mga anghel. Kung paanong tinitipon ang masasamang damo at sinusunog sa apoy, ganito rin ang mangyayari sa katapusan ng mundo. Ipadadala ng Anak ng Tao ang kanyang mga anghel at titipunin nila sa kanyang Kaharian ang mga iskandalo at mga gumagawa ng masama. At itatapon ang mga ito sa nagliliyab na pugon kung saan may iyakan at pagngangalit ng ngipin. At pagkatapos nito, magniningning ang mga makatarungan tulad ng araw sa Kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may tainga!”   Pagninilay: Mga kapanalig, napakaraming bagay ang pinagdedebatehan sa panahon natin ngayon, na nagdudulot sa atin ng kalituhan, agam-agam at pangamba. Dapat bang gawing legal ang divorce? Ang abortion? Makakatulong ba talaga sa pag-angat ng ating ekonomiya ang Maharlika Investment Funds? Paano kung kurakutin lang ito at mauwi sa bulsa ng iilan?  Ano ang marapat gawin para mahinto na ang cyber bullying at online scamming? At napakarami pang ibang usapin.  Sa personal nating buhay, kadalasan hirap din tayong magpasya kung ano ang tama; at kung ano ang gagawin natin, sa gitna ng mga nakikita nating katiwalian. Magbubulag-bulagan na lamang ba tayo? O maglalakas-loob na magsalita. Paano kong manganib ang buhay ko?  Paano kung mawalan ako ng trabaho? Paano ko bubuhayin ang pamilya ko, kung hindi ako kakapit sa masama?  Mga kapatid, kapag nalagay tayo sa ganitong sitwasyon, sana’y sundan natin ang halimbawa ng mga apostol, na lumapit sa Panginoong Hesus. Humingi tayo ng Kanyang paggabay: “Ipaliwanag mo po sa amin, Panginoon, ang mga talinhaga sa aming buhay.” Makinig tayo sa sasabihin niya; dahil tanging sa liwanag ng kanyang Espiritu lamang natin makikita ang “bigger picture.” Hindi lang ito pagtatalo ng magkabilang partido sa politika, relihiyon at prinsipyo. Ito’y pagtutunggali ng kabutihan at kasamaan. Saan ka papanig at sino ang iyong susundan?  Manalangin tayo:  Panginoon, patatagin mo kami sa aming pakikipagtunggali laban sa kasamaan. Manalig nawa kaming lagi na sa katapusan, tanging kabutihan lamang ang mananaig.  Amen.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 31, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Agosto 1, 2023 – Martes

0:00 4:32

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on July 31, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!