Mabuting Balita l Agosto 10, 2023 – Huwebes episode artwork

EPISODE · Aug 9, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Agosto 10, 2023 – Huwebes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Agosto 10, 2023 – Huwebes Ika-18 sa Karaniwang Panahon Kapistahan ni San Lorenzo, diyakono at martir Ebanghelyo: Jn 12:24-26  Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, nananatiling nag-iisa ang butil ng trigo kung hindi mamatay pagkahulog sa lupa. Ngunit kung mamatay naman ito, maraming bunga ang idinudulot nito. Nagpapahamak ng kanyang sarili ang umiibig dito, ngunit iniingatan ito para sa buhay na walang hanggan ng napopoot sa kanyang sarili dito sa mundo. Sundan ako ng naglilingkod sa akin, at kung nasaan ako naroon din ang tagapaglingkod ko. Kung may maglilingkod sa akin, pararangalan siya ng Ama.” Pagninilay:  “Para kanino ka Bumabangon?” Yan ang isang patalastas sa telebisyon ng isang sikat na brand ng kape. Pero, ang tanong ko sa ‘yo? “Para Kanino ka Nabubuhay?” Ikaw ba ang taong, masaya pero laging may kulang? Ano ba ang importante ngayon sa buhay mo? Ang iyong kasikatan, tagumpay, kayamanan, at kapangyarihan?  Mga kapatid, ang buhay natin dito sa lupa ay isang paglalakbay.  Isang paglalakbay, kasama si Hesus, ang ating pamilya, kaibigan, katrabaho, kapatid, kapanalig.  “No man is an island” ika nga. At sa paglalakbay nating ito, tinatahak natin ang daan ng krus, kung saan kinakailangan nating maging katulad ng isang butil ng trigo, na nahuhulog sa lupa at namamatay upang mag bigay buhay sa iba.  Katulad ng ginawa ni Kristo, na inalay ang kanyang buhay para sa atin, nararapat lamang na ialay din natin ang ating buhay para sa iba. Lubos itong nauunawaan at isinabuhay ni San Lorenzo, Diakono at Martir, na Kapistahan ngayon.   Si San Lorenzo ay naging martir noong Agosto 10, 258, sa panahon ng pag-uusig ni Emperor Valerian. Siya’y naging kataas-taasang awtoridad ng Simbahang Katolika at naging ingat-yaman ng simbahan sa Roma. Siya ang “Guardian of the Church Treasures.”  Gusto sana siyang palayain ng Emperor, sa kondisyong dapat niyang isuko ang lahat ng yaman na pag-aari ng Simbahan.  Noong siya’y humarap sa Emperor, isinama nya ang mga taong mahihirap, may karamdaman, at may kapansanan, at sinabi nya “Ito ang lahat ng kayamanan ng Simbahan.”  Kaya dali-daling siyang dinala sa kanyang kamatayan sa pamamagitan ng pag-ihaw ng buhay sa parilya.  Mga kapatid, si San Lorenzo ay isang taong hindi lamang nabuhay para sa kanyang sarili, kundi nabuhay siya para kay Hesus at sa iba.  Pinili niyang maging butil ng trigo, namatay para magbigay buhay sa pag-ibig ni Kristo.  Kapatid, “Para Kanino Ka Bumabangon?” “Para Kanino ka Nabubuhay?”   - Fr. Patrick Paul de Castro, OSA – Order of St. Augustine, Province of Sto. Nino de     Cebu - Philippines

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Aug 9, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Agosto 10, 2023 – Huwebes

0:00 4:49

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on August 9, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!