EPISODE · Aug 11, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Agosto 12, 2023 – Sabado
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Agosto 12, 2023 Sabado ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon Santa Juana Francisca de Chantal, namamanata sa Diyos Ebanghelyo: Mt 17:14-20 Lumapit kay Hesus ang isang lalaki, lumuhod sa harap niya at nagsabi: “Ginoo, maawa ka sa aking anak na lalaki na may epilepsi at lubhang nahihirapan. Madalas siyang mahulog sa apoy at kung minsan nama’y sa tubig. Dinala ko na siya sa mga alagad mo pero hindi nila siya napagaling.” Sumagot si Hesus: “Mga walang pananampalataya at ligaw na tao kayo! Gaano pa katagal na panahon ako mananatili sa piling n’yo? Hanggang kailan ako magtitiis sa inyo? Dalhin siya rito sa akin.” At inutusan ito ni Hesus, at umalis sa kanya ang masamang espiritu. At gumaling ang bata sa sandalingiyon. Pagkatapos ay nilapitan ng mga alagad si Hesus, at tinanong nang sarilinan: “Bakit hindi namin napalayas ang espiritu?” Sinabi ni Hesus sa kanila: “Sapagkat kakaunti ang inyong pananampalataya. Kung may pananampalataya kayong sinlaki ng buto ng mustasa, masasabi n’yo sana sa bundok na ito na gumalaw mula rito at gagalaw ito. At walang imposible para sa inyo.” Pagninilay: Sa narinig nating Mabuting Balita, makikita natin na napakahalagang magkaroon ng pananalig sa Diyos. Hindi lang basta pananalig, kundi isang matibay na pananalig, na kahit alam nating imposible, ito’y magiging posible, dahil magagawa ng Diyos kahit pa ang pinaka imposibleng bagay sa ating buhay. Oo, puno ng pagsubok ang buhay. At dumarating tayo sa puntong nanghihina ang ating pananampalataya minsan, at nakakalimutan nating higit na makapangyarihan ang Diyos. Sa matinding unos sa ating Buhay, nais ng Diyos na patuloy tayong manalangin at kumapit sa Kanya, dahil tunay ngang wala tayong magagawa, kung hiwalay tayo sa Kanya. Mga kapatid, patuloy tayong inaanyayahan ng Diyos, na magkaroon ng pananampalatayang kahit sinlaki man lang ng buto ng mustasa, upang hindi tayo manghina sa oras ng mga pagsubok sa buhay. Manalangin tayo: Panginoon nawa’y sa oras ng matindingpagsubok, turuan mo po kaming mas maging matibay pa ang aming pananampalataya sa iyo, upang maging karapat dapat kaming tumawag sa iyong Dakilang pangalan. Amen.
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Agosto 12, 2023 – Sabado
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.