Mabuting Balita l Agosto 13, 2023 – Linggo episode artwork

EPISODE · Aug 12, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Agosto 13, 2023 – Linggo

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Agosto 13, 2023 Ika- 19 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo:  Mt 14:22-33 Matapos pakainin ang mga tao. Agad na pinasakay ni Hesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo habang pinaaalis niya ang mga tao. At pagkaalis ng mga tao, mag-isa siyang pumunta sa kaburulan para manalangin. Nag-iisa siya roon nang gumabi. Samantala, malayo na sa lupa ang bangka, sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat ang hangin. Nang madaling-araw na, pinuntahan sila ni Hesus na naglalakad sa dagat. Nang makita nila siyang naglalakad sa dagat, natakot sila, at akala nila’y multo siya. Kaya sumigaw sila. Ngunit agad niyang sinabi sa kanila: “Lakasan ang loob! Ako ito, huwag kayong matakot.” Sumagot si Pedro: “Panginoon, kung ikaw nga, papuntahin mo ako sa iyo na naglalakad sa tubig.” “Halika.” Bumaba naman sa bangka si Pedro at naglakad sa tubig papunta kay Hesus. Ngunit natakot siya sa harap ng malakas na hangin at lumulubog na. Kaya sumigaw siya: “Panginoon, iligtas mo ako!” Agad na iniunat ni Hesus ang kanyang kamay at hinawakan siya, at sinabi: “Taong kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nag-aalinlangan?” Nang nakasakay na sila sa bangka, tumigil ang hangin. At yumuko sa harap ni Hesus ang mga nasa bangka at sinabi: “Totoo ngang ikaw ang Anak ng Diyos!” Pagninilay: Maraming aral ang mapupulot sa ating Mabuting Balita ngayon.  Isa sa mga ito ay ang katotohanang si Hesus ay tunay na makapangyarihan, at nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan ang lahat ng sangnilikha.  Kaya naman kayang-kaya niyang lumakad sa ibabaw ng tubig.   Ang isa pang aral ay ang katotohanang hindi madamot si Hesus.  Ibinahagi niya ang kanyang kapangyarihan sa kanyang mga alagad.  Kaya naman maging si Pedro, kahit sa isang saglit, ay nagawa ding maglakad sa ibabaw ng tubig.  Mga kapanalig, bilang mga binyagan, mayroon tayong kakayahang tumulad kay Hesus.  Katulad ni Pedro, kaya rin nating sumunod sa yapak ng ating Panginoon.  Kailangan lamang nating manampalataya at manalig sankanya!  At upang magawa din nating “lumakad sa ibabaw ng tubig”, sikapin nating palayain ang ating mga sarili mula sa anumang takot o pangamba na mayroon tayo.  Kay Hesus lamang tayo tumingin at huwag nang lumingon pa kung kani-kanino o kung saan-saan.  Mga kapanalig, bilang mga tagasunod ni Hesus, inaasahan tayo ng Diyos na magpalaganap ng mabuting balita.  Huwag tayong matakot na magpahayag.  Ipahayag natin na ang ating Diyos ay makapangyarihan at sa kanyang kadakilaan, ibinabahagi niya ang kapangyarihan ito sa atin.  Amen.   - Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Aug 12, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Agosto 13, 2023 – Linggo

0:00 4:21

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on August 12, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!