EPISODE · Aug 13, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Agosto 14, 2023 – Lunes
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Agosto 14, 2023 – Lunes Lunes sa Ika-19 na Linggo ng Karaniwang Panahon San Maximilian Maria Kolbe, pari at martir Ebanghelyo Mt 17: 22-27 Minsan ng maglakbay si Hesus sa Galilea kasama ang Labindalawa, sinabi niya sa kanila: “Ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao. Papatayin nila siya ngunit babangon s’ya sa ikatlong araw. Kaya lubha silang nalungkot. Nang makapasok na sila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga taga kolekta ng Templo at tinanong nila s’ya: “Nagbabayad ba ng buwis ang Guro ninyo?” “S’yempre.” At pumasok si Pedro sa bahay ngunit agad s’yang tinanong ni Hesus: “Ano sa palagay mo, Simon? Sino ang nagbabayad ng buwis o parangal sa mga hari ng mundo? Ang mga anak ba o ang iba?” “Ang iba.” “Kung gayon, di saklaw ang mga anak. Ngunit hindi rin natin dapat saktan ang mga taong ito kaya pumunta ka sa dagat, maghagis ng bingwit at buksan ang bibig ng unang isdang iyong mahuhuli. May pera kang matatagpuan doon. Kunin mo ‘yon at magbayad ka para sa ‘yo at sa akin din. Pagninilay: Kapistahan ngayon ni San Maximilian Maria Kolbe, isang pari na nakulong sa Auschwitz noong ikalawang digmaang pandaigdig. Bilang parusa sa mga bilango, pumili ang mga guwardiya ng 10 sa mga preso na mamamatay dahil sa gutom. Pagkatawag sa pangalan niya, may isang lalaki na sumigaw: “Ang asawa ko! Ang aking mga anak.” Nang marinig ito ni Padre Maximilian, nagtaas siya ng kamay at nagsabing aakuin niya ang lugar ng nasabing bilanggo. Takang-taka ang mga bantay na mayroon taong magkukusang mag-alay ng sarili para maligtas ang isang taong hindi naman niya kilala. Tulad ni Kristo, namatay si Maximilian pagkatapos ng ilang araw ng paghihirap. Pero nananatiling buhay ang kanyang pangalan at halimbawa ng pag-ibig na dalisay hanggang sa ating panahon. Noong 1982, itinanghal na santo si Maximilian ni Papa Juan Pablo II. Kasama sa mga panauhing pandangal sa pagdiriwang na iyon si Franciszek Gajowniczek, ang bilanggong iniligtas niya sa kamatayan noong 1941. Manalangin tayo: Panginoon, tulungan mo po akong maging handang tumugon sa mga paanyaya mo sa akin sa araw na ito. Pagkalooban mo po ako ng pusong tunay na may malasakit sa mga taong mas higit na nangangailangan kaysa akin, at kamay na handang tumulong sa abot ng aking makakaya. Amen.
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Agosto 14, 2023 – Lunes
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.