Mabuting Balita l Agosto 2, 2023 – Miyerkules episode artwork

EPISODE · Aug 1, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Agosto 2, 2023 – Miyerkules

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Agosto 2, 2023 Miyerkules sa Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon San Eusebio de Vercelli, Obispo San Pedro Julian Eymard, pari Ebanghelyo: Mt 13:44–46 Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Naihahambing ang kaharian ng Langit sa kayamanang nakatago sa isang bukid. Kung may makakakita nito, ibabaon niya ito uli; at dahil sa kanyang kaligayahan, ipinagbibili niya ang lahat niyang ari-arian, at binibili niya ang bukid. Naihahambing din naman ang kaharian ng Langit sa isang negosyanteng naghahanap ng magagandang perlas. Pagkakita niya ng isang perlas na napakalaki ang halaga, umalis siya at ipinagbili ang lahat niyang ari-arian at binili ang perlas. Pagninilay: May kuwento tungkol sa isang mahusay at kilalang engineer. Carlos ang kanyang pangalan. Matalino, guwapo at mabuting tao si Carlos, at tinitingala siya ng mga kaibigan at mga katrabaho. Para kasing nasa kanya na ang lahat: magandang pamilya, mataas ang sweldo, mabait na kasintahan, may sariling bahay, mga latest gadgets, etc. Isang araw, hindi alam ni Carlos kung bakit siya nagpunta sa simbahan. Parang may nag-akay sa kanya pagpasok doon. Habang binabasa ng pari ang ebanghelyo ni San Markos 8:36: “Ano ang mapapakinabang ng tao na makamtan ang buong sanlibutan, at mapahamak ang kanyang buhay?” Nagulat si Carlos sa narinig at nanatili siyang nananalangin. “Ano nga ba ang saysay ng lahat ng meron ako?” tanong niya sa sarili. “Is this all there is to life?”  Isang taon siyang nanalangin, nagtanong, sumangguni sa mga taong makakatulong sa kanyang magpasya at humanap ng bokasyon niya. Makalipas ang isang taong paghahanap sa kahulugan ng buhay, napagtanto niyang tinatawag siya ng Diyos, at magiging lubos lamang siyang maligaya kung susundin niya ang kanyang bokasyon. Tinalikuran ni Carlos ang lahat, at pumasok siya sa seminaryo. Tulad ng tao sa ebanghelyo natin sa araw na ito, natagpuan ni Carlos ang Diyos at iniwan niya ang lahat ng kanyang ari-arian upang makamit ang kaharian ng langit.  Ikaw kapatid, may kailangan ka bang i-give up para lubusan kang maging masaya? O upang maging ganap ang iyong pagsunod sa Panginoon? Huwag kang mangamba, at alalahanin mong lagi, tanging ang iyong kasiyahan at kabutihan ang nais ng Diyos para sa iyo.  Panginoon, salamat sa lahat ng iyong mga biyaya. Buksan mo po ang aking puso at mga kamay upang matagpuan ko ang kaligayahan sa pag-aalay ng lahat sa iyo. Amen.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Aug 1, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Agosto 2, 2023 – Miyerkules

0:00 4:33

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on August 1, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!