Mabuting Balita l Agosto 20, 2023 – Linggo episode artwork

EPISODE · Aug 19, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Agosto 20, 2023 – Linggo

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Agosto 20, 2023 – Linggo Ika – 20 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 15:21-28 Pumunta si Hesus sa gawing Tiro at Sidon. May isang babaeng Kananea noon na nagpunta sa dakong iyon at sumigaw: “Panginoon, anak ni David maawa ka sa akin! Pinahihirapan ng isang demonyo ang anak kong babae.” Ngunit hindi siya tinugon ni Hesus kaya lumapit ang kanyang mga alagad at hiniling ng mga ito. “Paalisin mo na siya’t sigaw s’ya nang sigaw sa likod natin.” “Sa nawawalang tupa ng bayan ng Israel ako sinugo.” Ngunit lumapit ang babae at lumuhod sa harap ni Hesus at sinabi: “Ginoo, tulungan mo ako!”   “Hindi tama na kunin ang tinapay sa mga bata at itapon ito sa mga tuta.” “Totoo nga, Ginoo, pero kinakain naman ng mga tuta ang mga nalalaglag mula sa hapag ng kanilang mga amo.” “Babae, napakalaki ng iyon pananalig! Maganap sa iyo ayon sa nais mo.” At nang oras ding iyon, gumaling ang kanyang anak.   Pagninilay: Sa ating Mabuting Balita ngayon, napakinggan natin ang pagtatagpo ni Hesus at ng isang babaeng Canaanita.  Bagamat siya’y hindi Judio, ipinahayag ng babae ang kanyang pananampalataya kay Hesus, na nauwi sa paggaling ng kanyang anak. Ang kwentong ito ay paalala sa atin na ang Diyos ay hindi nagdi-discriminate batay sa lahi, uri, o katayuan sa lipunan. Ang kanyang biyaya at kaligtasan ay para sa lahat ng mga taong may pananalig at pagtitiwala sa kanya.  Mga kapanalig, napakahalaga ng pananalig at pagtitiwala na ipinakita ng babaeng Canaanita.  Inaanyayahan tayo ngayon na tumulad sa kanya.  Kailangan nating patatagin ang ating pananalig at pagtitiwala sa Diyos.  Kailan ba natin masasabing tayo ay nananalig?  Kailan ba natin masasabing tayo ay nagtitiwala? Nagpapakita tayo ng pananalig at pagtitiwala kapag sa kabila ng maraming pagsubok ay isinasalalay pa rin natin ang ating buhay sa kamay ng Diyos at sinasabi natin, “Hindi ako pababayaan ng Diyos!” “Hindi natutulog ang Diyos!”  Tandaan natin:  Ang pananalig at pagtitiwala ay hindi lamang pananampalataya ng puso.  Ang pananalig at pagtitiwala ay ang puso ng pananampalataya!  Amen.   - Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Aug 19, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Agosto 20, 2023 – Linggo

0:00 4:14

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on August 19, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!