Mabuting Balita l Agosto 21, 2023 – Lunes episode artwork

EPISODE · Aug 20, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Agosto 21, 2023 – Lunes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Agosto 21, 2023 – Lunes Lunes sa Ika-20 Linggo ng Karaniwang Panahon San Pio X, papa Ebanghelyo: Mt 19:16-22  Lumapit kay Hesus ang isang binata at nagtanong: “Guro, anong mabuti ang dapat kong gawin para makamit ang buhay nawalang hanggan?” “Bakit tungkol sa mabuti ang tanong mo? Iisa lang ang Mabuti. Kung gusto mong pumasok sa buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos.”  “Anong mga utos?” “Huwag papatay, huwag makiapid, huwag magnakaw, huwag manirang-puri ng kapwa, igalang ang iyong ama at ina at mahalin ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’” “Sinunod ko ang lahat ng ito, ano pa ang kulang ko?” “Kung gusto mo maging ganap, umuwi ka’t ipagbili ang mga ari-arian mo at ibigay ang pera sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa Langit. At saka ka bumalik para sumunod sa akin.” Pagkarinig ng binata sa pahayag na ito, umalis siyang malungkot sapagkat napakayaman niya. Pagninilay: Narinig nating sinabi ng Panginoong Hesus sa ebanghelyo: “Kung gusto mong maging ganap, ipagbili mo ang mga ari-arian mo at ibigay ang pera para sa mga dukha.  At saka ka bumalik para sumunod sa akin.”  Mga kapatid, hindi natin makakamtan angkaganapan at lubos na kasiyahan sa mga bagay na pag-aari natin.  Makamtan man natin pinakaaasam asam nating materyal na bagay, o makamit man natin ang rurok ng tagumpay – panandaliang saya lamang ang dulot nito sa atin. Sa paglipas ng mga araw, magsasawa din tayo sa materyal na bagay na ating nakamtan, at humuhupa na rin ang galak at siya ng tagumpay na ating tinamo.  Tunay na wala sa kayamanan, o tagumpay ang kaligayahan.  Panandalian lamang ang saya na ibinibigay sa atin ng mga ito, dahil tanging ang Diyos lamang ang tunay na makapupuno ng puwang sa ating puso.  Kapatid, gusto mo bang maging tunay na maligaya?  Ibahagi mo ang iyong kayamanan at sarili. Sundin mo ang mapagkalingang pagmamalasakit ng Panginoon sa mga dukha at masusulyapan mo ang ligayang ipinangako ni Kristo.   Manalangin tayo:  Panginoon, huwag ko nawang ihihilig ang aking puso sa mga bagay na materyal at panandalian lamang, kundi sa mga gawaing makakatulong upang magkamit ng espiritwal na yaman.  Basbasan Mo po ang aking mabubuting hangarin na maging daluyan ng Iyong biyaya at pagpapala sa aking kapwa, sa abot ng aking makakaya.  Amen.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Aug 20, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Agosto 21, 2023 – Lunes

0:00 4:12

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on August 20, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!