Mabuting Balita l Agosto 22, 2023 – Martes episode artwork

EPISODE · Aug 21, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Agosto 22, 2023 – Martes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Agosto 22, 2023 – Martes Martes sa Ika-20 Linggo ng Karaniwang Panahon Paggunita sa Pagkareyna ng Mahal na Birheng Maria Ebanghelyo: Lucas 1:26-38 Sa ikaanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Sinugo ito sa isang birhen na ipinagkasundo na sa isang lalaking nagngangalang Jose mula sa sambahayan ni David; at Maria naman ang pangalan ng Birhen. Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng grasya sumasaiyo ang Panginoon.” Nabagabag naman si Maria dahil sa pananalitang ito at pinagwari kung ano ang pagbating ito. At sinabi ng Anghel sa kanya: “Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang niloloob ang Diyos para sa iyo. At ngayo'y maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na pangangalanan mong Hesus. Magiging dakila siya at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan, at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang ninunong si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailaman; talaga ngang walang katapusan ang kanyang paghahari.” “Paanong mangyayari ito gayong hindi ako ginagalaw ng lalaki?” “Papanaog sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya magiging banal ang isisilang at tatawaging Anak ng Diyos. At nagdalantao naman ngayon ang pinsan mong si Elizabeth sa kabila ng kanyang katandaan, at nasa ikaanim na buwan na siyang itinuturing na baog. Wala ngang imposible sa Diyos.” “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel. Pagninilay: Isinulat ni Miss Rona Lyn de Guzman ang pagninilay sa ebanghelyo.  Nakaramdam ka na rin ba ng takot sa iyong buhay? Sa ating Mabuting Balita ngayon, natunghayan natin, na nagulumihanan ang Inang Birheng Maria sa winika ni Anghel Gabriel sa kanya. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng Inang Birheng Maria, ano kaya ang magiging reaksyon mo ng mga sandaling iyon? Ang hirap di ba?  May mga gumugulo rin sa isipan ng Mahal na Birhen, pero sa huli, nagpasakop pa rin siya sa kung ano man ang nais ng Diyos para sa kanya. Kagaya ng Inang Birheng Maria, nagugulumihanan rin tayo sa mga pangyayari sa ating buhay, at dumarating sa punto, na hindi na natin alam kung ano ba ang mabuting gawin, sa kadahilanang marami tayong plano sa buhay.  Mga kapatid, sa ipinakita ng Mahal na Birhen, nawa’y matuto tayong ipagkatiwala sa Diyos ang ating buhay.  Manalangin tayo:  Panginoon turuan mo po kami na matutong sumunod sa iyong kalooban at ipagkatiwala ng buo ang aming buhay. Alisin mo po sa amin ang lahat ng takot na bumabagabag sa aming puso’t isipan at turuan mo po kami na umasa ng lubusan sa pamamaraan ng Diyos. Amen.  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Aug 21, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Agosto 22, 2023 – Martes

0:00 4:29

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on August 21, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!