Mabuting Balita l Agosto 25, 2023 – Biyernes episode artwork

EPISODE · Aug 24, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Agosto 25, 2023 – Biyernes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Agosto 25, 2023 – Biyernes sa Ika-20Linggo ng Karaniwang Panahon San Luis, hari San Jose Calasanz, pari Ebanghelyo: Mt 22:34-40 Narinig ng mga Pariseo na napatahimik ni Hesus ang mga Sadduseo, at sumang-ayon sila sa kanya. Kaya’t sinubukan siya ng isa sa kanila na isang guro ng Batas sa tanong na ito: “Guro, ano ang pinakamahalagang utos ng Batas?” “Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa at nang buo mong pag-iisip. Ito ang una at pinakamahalagang utos. Ngunit may isa pang ikalawa na tulad nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ Sa dalawang utos na ito nabubuod angbuong Batas at Mga Propeta.”     Pagninilay: Kapanalig, paano mo mapatutunayan na mahal mo ang Diyos? Sa ating Mabuting Balita ngayon, ibinigay ni Hesus ang buod, ng lahat ng mga kautusan ng Diyos: pag-ibig sa Diyos nang buong puso, kaluluwa at pag-iisip, at pag-ibig sa kapwa gaya ng sa sarili. Paano ba natin maipadarama ang pag-ibig sa Diyos, na hindi naman natin nakikita? Kapanalig, sa kaibuturan ng ating puso, mararamdaman natin kung ano ang nais ipagawa sa atin ng Diyos, bilang kongkretong expresyon ng pag-ibig natin sa kanya. Nagbakasyon ako sa amin noong nakaraang buwan. Sumakay ako ng bus, upang dumalo sa silver anniversary ng kaibigan kong pari. Sinabi ko sa konduktor kung saan ako bababa. Tumango siya, kaya tiwala akong alam nya kung saang lugar yun, kaya lang, ibang lugar pala ang nasa isip nya. Lagpas sa dapat kong babaan, kaya sumakay ako ng dyip pabalik. Inis na inis ako, kasi mahuhuli na ako sa Banal na Misa. Pero naisip ko, kasalanan ko rin, kasi hindi ko nabantayan ang mga dinadaanan ng bus. Nagmamadali akong sumakay ng traysikad, kaso parang pagong sa bagal ang takbo nito. Gusto ko nang mag demand na bilisan ang pag pedal, nang masulyapan ko ang paa ng driver. Pilipit pala ang paa nito, kaya mabagal siyang mag pedal. Bigla akong nakadama ng awa, kaya hindi na ako nag demand. Nagdasal na lang ako na sana hindi pa ako mahuli sa Banal na Misa. Kapanalig, ng mga sandaling yon, naramdaman kong konting pasensya at pang-unawa ang hinihingi sa akin ng Diyos, bilang kongkretong expresyon ng pag-ibig ko sa Kanya, kaya magaan sa loob ko itong ibinigay na pumawi sa aking pagkainis.   Sa kabila kasi ng kapansanan ng driver, nagtatrabaho ito ng marangal, sa halip na mamalimos sa daan. Ramdam ko na mahal siya ng Diyos, kasi biglang nawala ang pagkainis ko. At alam nyo ba, patapos pa lang ang entrance hymn ng dumating ako sa loob ng Simbahan. Nakaupo pa ako ng maayos, at on time sa pag-sign of the cross. Kay buti talaga ng Diyos!    - Sr. Lou Ranara, fsp l Daughters of St. Paul    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Aug 24, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Agosto 25, 2023 – Biyernes

0:00 4:28

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on August 24, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!