Mabuting Balita l Agosto 30, 2023 – Miyerkules episode artwork

EPISODE · Aug 29, 2023 · 3 MIN

Mabuting Balita l Agosto 30, 2023 – Miyerkules

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Agosto 30, 2023 Miyerkules sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon Santa Juana ((Jeanne) Jugan Ebanghelyo: Mt 23:27-32 At sinabi ni Hesus: “Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Para kayong mga pinaputing libingan na maganda sa labas subalit puno ng buto ng mga patay at ng iba pang karumihan ang loob. Gayundin naman, mukha kayong mga taong banal subalit puno naman ng pagkukunwari at kasamaan ang kalooban. Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Nagtatayo kayo ng mga monumento para sa Mga Propeta at pinapalamutian ang mga bantayog ng mga banal na tao. Sinasabi ninyo: ‘Kung tayo ang nabuhay sa panahon ng ating mga ninuno, hindi sana sumang-ayon na patayin ang mga Propeta.’ Kaya kayo ang umaamin na mga anak kayo ng mga pumatay sa Mga Propeta. At ngayon, tapusin ninyo ang sinimulan ng inyong mga ninuno.   Pagninilay: “Sawimpalad kayo, mga Eskriba at mga Pariseo, mga mapagbalatkayo! Sapagkat katulad ninyo ang mga libingang pinaputi, na sa labas ay magaganda ang anyo ngunit sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay at ng lahat ng bulok”. Ito ang winika ng ating Panginoong Hesus sa unang bahagi ng ating pagbasa. Patunay lamang ito na maging ang Panginoong Hesus ay galit sa mga taong mapagbalatkayo. Ang mga taong katulad nito ay hindi mo lubusang makikilala, dahil itinatago nila ang tunay na pagkatao. Maaari tayong mainis o magalit sa mga ganitong tao, kapag natuklasan nating fake pala ang pagkakakila natin sa kanya.  Mga kapanalig,walang tunay na kapayapaan ang taong mapagbalatkayo. Hindi siya tunay na malaya, dahil ikinukubli niya kung sino at kung ano talaga siya.  Pero sa harap ng Panginoon, wala tayong maitatago.  Kilalang-kilala Niya tayo, nang higit pa sa pagkakakilala natin sa ating sarili.  Nawa’y hilingin natin sa Panginoon, na baguhin ang ugali nating mapagbalatkayo.  At tulungan tayong magpakatotoo sa lahat ng oras at pagkakataon.   Nang sa gayon, mamumuhay tayong may kapayapaan ng puso at isip, at may mabuting pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa ating kapwa.  Hilingin natin sa Panginoon ang biyayang ito.  Amen.  -Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul      

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Aug 29, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Agosto 30, 2023 – Miyerkules

0:00 3:58

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 3 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on August 29, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!