Mabuting Balita l Agosto 31, 2023 – Huwebes episode artwork

EPISODE · Aug 30, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Agosto 31, 2023 – Huwebes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Agosto 31, 2023 Huwebes sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon San Raymundo Nonato Ebanghelyo: Mt 24:42-51 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Magbantay kayo sapagkat hindi n’yo alam ang araw ng pagdating ng inyong Panginoon. Isipin n’yo ito: Kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, magbabantay s’ya at hindi pababayaang pasukin ang bahay. Kaya maging handa kayo sapagkat sa oras na hindi n’yo inaasahan darating ang Anak ng Tao. Isipin n’yo ito: may tapat at matalinong katulong at sa kanya ipinagkatiwala ng kanyang amo ang sambahayan nito para bigyan sila ng pagkain sa tamang oras. Kung sa pagdating ng kanyang amo ay matagpuan s’ya nitong tumutupad sa kanyang tungkulin, mapalad ang katulong na ito. Talagang sinasabi ko sa inyo na ipinagkakatiwala sa kanya ng amo ang lahat nitong pag-aari. Sa halip ay nag-iisip naman ang masamang katulong: ‘Magtatagal ang aking Panginoon.’ Kaya sinimulan n’yang pagmalupitan ang mga katulong na kasama n’ya samantalang nakikipagkainan at nakikipag-inumang kasama ng mga lasing. Ngunit darating ang panginoon ng katulong na iyon sa oras na di n’ya inaasahan at sa panahong di n’ya alam. Palalayasin n’ya ang katulong na ito at pakikitunguhang gaya ng mga mapagkunwari. Doon nga may iyakan at pagngangalit ng ngipin.”   Pagninilay: Noong Disyembre 21, 2012, halos buong gabi akong gising. Takot at nangangamba dahil magugunaw na daw ang mundo. Ito’y mula sa prediksyon ng tribong Maya. Sinasabi ng mga iskolar na ang maraming mga pekeng palatandaan na ito ay nakaugat sa kagustuhan ng tao na mamuhay pa ng may saysay dito sa mundo. Gayunpaman, anuman ang gawing prediksyon—iisa ang sigurado—ikaw at ako ay may katapusan, mayroong kamatayan. Sa ating Mabuting Balita, sinasabi sa atin ni Hesus na “Stay awake!” sapagkat hindi Ninyo nalalaman ang oras ng kanyang muling pagdating. Sa tuwing iniisip ko ang wakas, kamatayan man o muling pagdating ng Diyos, lagi kong tinatanong: Paano mo gusto maalala? Maalala ba ako sa mga maling paniniwala, mararangyang kagamitan, kayamanan, at puspos ng kapangyarihan? Mga kapanalig, magsikap nawa tayong ipalaganap ang katotohanan, maging inspirasyon at pag-asa sa kapwa, maging mukha ng pag-ibig ni Hesus sa mga nahihirapan at lubos na nangangailangan. Magwakas man ang ating buhay, ang maaalala nawa sa atin ay si Kristo. Magwakas man ang panahon, matibay ang ating paniniwala na tayo’y nakaugat kay Kristo. Amen. - Bro. Vinz Aurellano, SSP l Society of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Aug 30, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Agosto 31, 2023 – Huwebes

0:00 4:23

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on August 30, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!