Mabuting Balita l Agosto 4, 2023 – Biyernes episode artwork

EPISODE · Aug 3, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Agosto 4, 2023 – Biyernes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Agosto 4, 2023 – Biyernes Biyernes sa Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon San Juan Maria Vianney, pari Ebanghelyo:Mt 13:54-58  Pumunta si Hesus sa kanyang bayan at nagturo sa mga tao sa kanilang sinagoga. Namangha silang lahat at nagsabi: “Saan kaya galing ang kanyang karunungan at natatanging kapangyarihan? Hindi ba’t siya ang anak ng karpintero? Hindi ba’t si Maria ang kanyang ina at sina Jose, Jaime, Simon at Judas ang kanyang mga kapatid? Hindi ba’t narito sa piling natin ang kanyang mga kapatid na babae? Ano’t nangyari sa kanya ang lahat ng ito?” At bulag sila tungkol sa kanya. Sinabi naman sa kanila ni Hesus: “Sa kanyang sariling bayan lamang at sambahayan hinahamak ang isang propeta.” At kaunti lamang ang kanyang ginawang himala roon sapagkat kulang sila sa pananampalataya. Pagninilay: Marami tayong nababasa o nababalitaan sa social media na mga inspiring stories tungkol sa mga karaniwang tao, na naging matagumpay sa buhay.  Katulad ng janitor na nagtapos ng pagka-abogado; o iyong security guard, na nagtapos ng pagka-guro sa mismong kolehiyong pinagtatrabahuhan niya.  Malamang, hindi tayo makapaniwala na ang isang janitor o security guard – matagumpay na makapagtatapos sa kolehiyo, at pagka-abogado pa! Lalo na siguro yung mga kasamahan nila sa trabaho at mga kapitbahay!  Normal po ang reaksiyon na ganito, tulad ng narinig natin sa Mabuting Balita.  Ang nakita ng mga taga-Nazaret – ang background ni Hesus. Hindi nila matanggap, na may kakaibang kakayahan at kapangyarihan si Hesus. Para sa kanila, kilalang-kilala nila kung sino siya, at nagmamagaling lang siya.  Mga kapanalig, bawat isa sa atin, pinagkalooban ng katangi-tanging galing at kakayahan. Minsan, dahil sa kahirapan o kawalan ng pagkakataon, nananatili itong nakatago. Pero madalas, hindi lumalabas ang ating galing, dahil walang gustong maniwala at magtiwala sa atin. Gaya ng mga kababayan ni Hesus, nagiging bulag sa ating tunay na pagkatao ang mga taong mas malapit sa atin. Nakalulungkot mang isipin pero ito ang katotohanan.  Kapanalig, sino ang pwede mong i-encourage o i-affirm ngayong araw na ito? Ipakita mo ang simpatiya at tiwala, sa isang nagsisikap na mapabuti ang buhay. Baka iyon lang ang kailangan niya upang lubusang magbago, o magpakita ng natatagong galing.  Manalangin tayo:  Panginoon, makita ko nawa ang posibilidad o kabutihan na maaaring magawa at makamit ng aking kapwa. Huwag ko sanang ipagkait ang aking tiwala sa kanyang kakayahan. Amen.   - Fr. Eugene Hechanova – Archdiocese of Lipa

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Aug 3, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Agosto 4, 2023 – Biyernes

0:00 4:26

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on August 3, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!