Mabuting Balita l Agosto 5, 2023 - Sabado episode artwork

EPISODE · Aug 4, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Agosto 5, 2023 - Sabado

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Agosto 5, 2023 - Sabado Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagtatalaga ng Basilika ni Maria sa Roma Ebanghelyo: Mt 14:1-12 Umabot kay Haring Herodes ang katanyagan ni Hesus. At sinabi niya sa kanyang mga kasambahay: “Si Juan Bautista siya. Nabuhay si Juan mula sa mga patay kaya nagkakabisa sa kanya ang makalangit na kapangyarihan.” Si Herodes nga ang nagpahuli kay Juan, at nag-utos na ikadena ito at ikulong dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid. Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes: “Hindi mo siya puwedeng maging asawa.” Talaga ngang gusto ni Herodes na patayin siya pero takot siya sa mga tao na kumikilala kay Juan bilang isang propeta. Kaarawan ni Herodes at nagsayaw ang anak na babae ni Herodias, at nasiyahan si Herodes sa kanya. Kaya sinumpaan niya ang isang pangako na ibibigay sa kanya ang anumang hingin niya. At sinabi ng babae ayon sa turo ng kanyang ina: “Ibigay mo rito sa akin ang ulo ni Juan Bautista.” Nasaktan ang hari ngunit napanumpaan na niya ang pangako sa harap ng mga bisita kaya iniutos niya na ibigay iyon sa kanya. At pinapugutan niya ng ulo si Juan sa kulungan; inilagay sa isang plato ang kanyang ulo at ibinigay sa babae, at dinala ito ng babae sa kanyang ina. At pagkatapos ay dumating naman ang mga alagad ni Juan at kinuha ang kanyang katawan at inilibing. At pagkatapos ay ibinalita nila ito kay Hesus. Pagninilay: Mga kapanalig, mahalaga po ang kasabihan na “Truth will set you free.”  Mabuti man o masakit na tanggapin ang katotohanan, isang malaking biyaya ito sa atin.  Sa kaso ni Herodes sa ating Mabuting Balita, hindi niya matanggap ang kanyang kasalanan na isiniwalat ni Juan. Sa katunayan, nais pa niyang ipapatay si Juan, pero natakot siya.  Dahil sa kanyang “denial” nadagdagan pa ang kanyang pagkakamali ng mas malaking kasalanan, sa kanyang pagsumpa alang-alang sa anak ni Herodias. Nakita natin dito ang “chain reaction” ng isang kasalanan na kung hindi maituwid, tuloy-tuloy itong pagkakamali. Hindi naging malaya si Herodes dahil dito, bagkus naging sakim at nabulag sa katotohanan. Naisasakripisyo ang buhay ng iba dahil sa pagtalikod sa katotohanan. Nawa’y maging saksi tayo ng katotohanan at kabutihan.   MANALANGIN TAYO: Panginoong Diyos, maraming salamat po sa araw-araw na mga biyaya! Ikaw po ang pag-asa ng aming buhay.  Hinihiling po naming maging matatag sa pananalig saiyo lalo na sa mga panahon ng mga pagsubok.  Tulungan mo po kaming makita at maituwid ang aming pagkakamali.  Buksan mo po ang aming isip at puso na sumunod sa gabay ng Espiritu Santo sa aming buhay. Amen. -Sr. Mennen Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Aug 4, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Agosto 5, 2023 - Sabado

0:00 4:46

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on August 4, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!