EPISODE · Aug 8, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Agosto 9, 2023 - Miyerkules
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Agosto 9, 2023 - Miyerkules Miyerkules ng Ika-18 sa Karaniwang Panahon Santa Teresa Benedicta de la Cruz, dalaga at martir Ebanghelyo: Mt 15:21-28 Pumunta si Hesus sa gawing Tiro at Sidon. May isang babaeng Kananea noon na nagpunta sa dakong iyon at sumigaw: “Panginoon, anak ni David maawa ka sa akin! Pinahihirapan ng isang demonyo ang anak kong babae.” Ngunit hindi siya tinugon ni Hesus kaya lumapit ang kanyang mga alagad at hiniling ng mga ito. “Paalisin mo na siya’t sigaw s’ya nang sigaw sa likod natin.” “Sa nawawalang tupa ng bayan ng Israel ako sinugo.” Ngunit lumapit ang babae at lumuhod sa harap ni Hesus at sinabi: “Ginoo, tulungan mo ako!” “Hindi tama na kunin ang tinapay sa mga bata at itapon ito sa mga tuta.” “Totoo nga, Ginoo, pero kinakain naman ng mga tuta ang mga nalalaglag mula sa hapag ng kanilang mga amo.” “Babae, napakalaki ng iyon pananalig! Maganap sa iyo ayon sa nais mo.” At nang oras ding iyon, gumaling ang kanyang anak. Pagninilay: Meron akong isang karanasan na nagpatibay sa aking pananampalataya sa walang pili at walang hanggang pagmamahal ng Diyos. Minsan, dumalo ako sa isang popular at malaking pista sa isang probinsya. Marami ang mga dumadayo doon, makiisa lamang sa debosyon na ito, lalo na sa prusisyon. Bilang madre, may nakalaan na lugar para sa amin kasama ang mga seminarista. Isa itong biyayang maituturing, dahil makakapag prusisyon ako malapit mismo sa mapaghimalang imahen. Masaya na sana ako, dahil sa unang pagkakataon, nabigyan ako ng magandang lugar upang makapagdasal ng taimtim sa Sto. Niño. Pero nalungkot ako, dahil hindi ko maisasama sa aming grupo ang dalawang lay mission partners na kasama ko, dahil may patakaran ang organizers na hindi pwede sumama doon ang hindi naka-abito. Naisip ko, hindi kami pwedeng magkahiwalay, at hindi kaya ng konsensya ko na mawawalan sila ng kasama, habang ako magpuprusisyon. Kaya lumabas na lang ako sa grupo at sinamahan sila. Medyo sumama ang loob ko noon, dahil sa mga patakarang umiiral tulad nito, na nag-i echapwera sa mga taong hindi mo kauri. Hindi bat ito rin ang karanasan ng babaeng taga-Canaan sa ating Mabuting Balita ngayon? Pero, itinuwid ito ng ating Panginoong Hesus, sinira niya ang barriers at pagbabawal dahil sa pagkakaiba iba ng kultura at lahi. Mga kapanalig, nagbibigay sa atin ng assurance ang Mabuting Balita sa araw na ito, na ano man ang estado, kulay o bokasyon natin sa buhay, may lugar tayo sa puso ng Diyos. Nais nya na maging kaisa tayo sa kanyang buhay at misyon. Sa mga pagkakataon na ramdam natin ang indifference, favoritism, o marginalization, kumapit tayo sa katotohanang hatid ng ating Mabuting Balita ngayon: bawat isa sa atin ay may puwang sa puso ng Diyos! -Sr Nina Lorilla, fsp l Daughters of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Agosto 9, 2023 - Miyerkules
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.