Mabuting Balita l Disyembre 10, 2023 – Ikalawang Linggo ng Adbiyento (B) episode artwork

EPISODE · Dec 9, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 10, 2023 – Ikalawang Linggo ng Adbiyento (B)

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 10, 2023 – Ikalawang Linggo ng Adbiyento (B) Ebanghelyo: Marcos 1:1-8 Ito ang simula ng Magandang Balita ni Jesukristo, Anak ng Diyos. Nasusulat sa Propeta Isaias: “Ipadadala ko ngayon ang aking sugo na mauuna sa ‘yo para ayusin ang iyong daan. Naririnig ang sigaw sa disyerto: ‘Ihanda ang daan para sa Panginoon, ituwid ang kanyang landas.’” Kaya may nagbibinyag sa disyerto—si Juan—at ipinahahayag niya ang binyag para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Nagpuntahan sa kanya ang lahat ng taga-Judea at mga naninirahan sa Jerusalem. Inamin nila ang kanilang mga kasalan at bininyagan sila ni Juan sa Ilog Jordan. Nakadamit balahibo ng-kamelyo si Juan at mga balang at pulot-pukyutang –gubat ang kinakain. At ito ang kanyang pangangaral: “Parating na kasunod ko ang gagawa ng higit pa sa akin. Hindi nga ako karapat-dapat yumuko para magkalag ng tali ng kanyang panyapak. Sa tubig ko kayo bininyagan, at sa Espiritu Santo naman niya kayo bibinyagan.”    Pagninilay: Isa sa mahalaga at pangunahing tauhan ng Adbiyento si San Juan at ang kanyang pag-bibinyag. Siya ang sinasabing magiging Propeta Elias, na maghahanda ng dadaanan sa pagdating ng Mesiyas. At sa unang bahagi ng Mabuting Balita ni San Marcos narinig natin ang katuparan ng propesiya. Narinig natin na isinasalarawan si San Juan, bilang ang tinig na sumisigaw mula sa ilang at nagpapahayag ng pagbabalik loob sa Diyos. Ang kanyang pagbibinyag at pangangaral ang syang magiging paraan sa paghahanda sa pagdating ng Mesiyas.  Binyag at pagbabalik-loob. Ang Adbiyento ay isang bagong simula ng taong pang liturhiya. Isa din itong panibagong simula para sa ating buhay espirituwal, katulad ng binyag. Isang grasya ng pagpapanibago at pagbabago. Pero sa ating mga Kristiyano, mayroong higit na malalim na kahulugan ang pagbabago. Tumutukoy ito sa panloob na pagkilos ng damdamin o tinatawag na pagbabalik-loob. Bumabalik tayo sa ating loob at sa kalooban ng Diyos, kung sino tayo at para kanino tayo. At dito napapaalalahanan tayo na sa simula pa lang, nilikha tayo ng Diyos at para sa Diyos.  Kung gayon, mga kapanalig, itinuturo tayo ni San Juan patungo sa pagbabalik-loob sa Diyos at pagbabalik din sa ating orihinal na pagkakakilanlan. Nawa ang panahong ito ng Adbiyento ay maging mabiyayang panahon ng ating pagbabalik-loob.  -       FR. KEIV AIRES DIMATATAC, SSP l Society of St Paul    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 9, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Disyembre 10, 2023 – Ikalawang Linggo ng Adbiyento (B)

0:00 4:18

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 9, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!