EPISODE · Dec 12, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Disyembre 13, 2023 – Miyerkules l Ikalawang Linggo ng Adbiyento
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Disyembre 13, 2023 – Miyerkules l Ikalawang Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Mateo 11:28-30 Sinabi ni Hesus: “Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawain ko kayo. Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin na mahinahon ako at mababang-loob, at makakatagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. Sapagkat mabuti ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.” Pagninilay: Sa buhay ko ngayon, napansin ko na padami ng padami ang mga alalahanin ko sa araw-araw. Minsan nga, napapanaginipan ko pa ang mga dapat kong gawin. Sa tingin ko din, walang thrill ang buhay kapag walang inaalala. Nasanay na yata akong may mga alalahanin, as if lahat, kaya kong gawin. Nakakapagod! Minsan may nakita akong cute na post sa FB, larawan ng isang baby – na mahimbing ang tulog. Ang caption, “Give your worries to God and go to sleep!” Napangiti ako, sabay sabi, “Aba, si Lord, ginamit pa talaga ang FB para paalalahanan ako.” Mga kapanalig, alam ng Panginoon ang pinagdaraanan ng bawat isa sa atin, at gagawin Niya ang lahat, upang makapag-connect sa atin. Marahil, yung iba sa inyo makaka-relate, kapag sinabi kong pati ang social media, ginagamit din ng Panginoon upang ipaalala sa iyo na nariyan Siyang lagi handang umalalay, handang makinig sa mga kwento mo. Ngayong panahon ng Adbiyento, ano ba ang pinagkakaabalahan mo? Ano ba ang inaalala mo? Wari mo ba’y hindi yun alam ng Panginoon? Magtiwala! Ipaubaya sa Kanya anuman ang bumabagabag sa iyo ngayon. Ikwento mo sa Kanya, anuman ang mabigat sa puso mo, mga kinatatakutan mo, mga suliranin mo. Sinabi ni Hesus, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.” Wag nang magdalawang isip, kapanalig, lumapit tayo sa Kanya, hindi bukas o makalawa, ngayon na! Siya ang sagot sa lahat ng ating mga tanong, Siya ang kahulugan ng ating pag-iral, lahat ng ating pagpupunyagi walang saysay, kung si Hesus ay wala sa ating buhay. Siya ay “maamo at may mababang loob,” sa Kanya lamang tayo “makakatagpo ng tunay na kapahingahan.” Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughter’s of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Disyembre 13, 2023 – Miyerkules l Ikalawang Linggo ng Adbiyento
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.