Mabuting Balita l Disyembre 14, 2023 – Huwebes l Ikalawang Linggo ng Adbiyento	 episode artwork

EPISODE · Dec 13, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 14, 2023 – Huwebes l Ikalawang Linggo ng Adbiyento

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 14, 2023 – Huwebes l Ikalawang Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Mateo 11:11-15 Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Talagang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga kilalang tao ngayon ang mas dakila pa kay Juang tagapagbinyag, pero mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa Kaharian ng Langit. Mula sa panahon ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang Kaharian ng Langit ay marahas na sumusulong at mga maylakas ang silang umaagaw nito. “Pagpopropesiya nga lamang ang panahon ng Mga Propeta at ng Batas hanggang kay Juan. At kung gusto ninyo itong tanggapin, si Juan ang Elias na darating. Makinig ang may tainga.”   Pagninilay: Marahil marami sa atin ang may mga kanya-kanyang iniidolo. Pero ang tanong, kung kikilalanin natin ang kanilang tunay na buhay – talaga kayang karapatdapat silang hangaan at gawing huwaran ng ating buhay? Sa Mabuting Balitang ating narinig, iminungkahi ni Hesus na gawin nating huwaran si Juan Bautista. Namumukod tangi sa lahat si San Juan Bautista. Ano nga bang pagpapahayag ang kanyang ginawa? Siya ang propetang nagdugtong sa Luma at Bagong Tipan, ang huling propeta bago ang pagdating ni Hesus. Isa sa mga hudyat na babalik ang Diyos ay ang kanyang pagpapahayag, pagbibinyag at pagsisisi sa kasalanan.  Sinisimbolo ng tubig ang paglilinis sa ating mga kasalanan. At sa tuwing pumapasok tayo sa simbahan, binabasbasan natin ang ating sarili ng agua bendita o holy water, tanda ng ating sinumpaan sa binyag.  Sa pagdating ni Hesus sa pasko, suriin natin kung malinis ba ang puso natin para kay Hesus. Pagsisisi, Pagpapatawad at Pagbabalik loob – ito ang pinakabuod at mensahe ni San Juan Bautista.  Mga kapanalig, kinakailangan na bantayan natin ang ating mga sariling pananampalataya upang hindi tayo maligaw sa landas ng katotohanan.  Tayo ang unang lumayo sa Diyos at nagkasala, iyan ang katotohanan. Magkagayon pa man, patuloy pa rin tayong inaanyayahan ng Diyos na lumapit sa Kanya upang maghilom ang mga sugat ng ating kaluluwa na dulot ng kasalanan. Patuloy tayong minamahal ng Diyos, kahit paulit-ulit natin Siyang nasasaktan. Hinihintay lamang Niya ang ating pagbabalik-loob sa Kanya. Manalangin tayo: Panginoong mahabagin, sa aming paghahanda sa Iyong pagdating, dalangin namin na ilapit Mo po kami sa iyong kabanal-banalang puso sa sakramento ng kumpisal. Maikumpisal nawa naming ang lahat naming pagkakasala. Patuloy Mo nawa kaming tulungan na magbago hanggang sa huli, sa pamamagitan ng Iyong mga salita. Amen.   MS. RONALYN DE GUZMAN – Lector Commentator, Minor Basilica of Saint Dominic – San Carlos City, Pangasinan  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 13, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Disyembre 14, 2023 – Huwebes l Ikalawang Linggo ng Adbiyento

0:00 4:37

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 13, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!