Mabuting Balita l Disyembre 15, 2023 - Biyernes l Ikalawang Linggo ng Adbiyento episode artwork

EPISODE · Dec 14, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 15, 2023 - Biyernes l Ikalawang Linggo ng Adbiyento

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 15, 2023 - Biyernes l Ikalawang Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Mt 11:16-19a Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuyan? Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa at nagkakantahan, at nagrereklamo ang ilan sa kanila: ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo ngunit ayaw ninyong sumayaw, at nang umawit naman kami ng malungkot na awit, ayaw din ninyong umiyak!’ Ganito rin ang nangyari: Dumating muna si Juan na nag-aayuno, at sabi ng mga tao: ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ At saka dumating ang Anak ng Tao na kumakain at umiiom, at ang sabi ng mga tao: ‘Lasenggo at matakaw, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan!’ Gayon pa man, magaling ang karunungan ng Diyos sa mga gawa nito.”   Pagninilay: Simula pa noong una, gumagawa na ang Diyos ng paraan upang lubusan natin Siyang makilala, at maintindihan ang Kanyang kalooban. Nagpadala Siya ng mga propeta, gaya ni Juan Bautista, upang direkta nating marinig ang kanyang mga salita. Nais Niya ring pagsisihan natin ang ating mga kasalanan, nang sa gayo’y mapanumbalik natin ang ating magandang relasyon sa Kanya. Pero, marami pa rin sa atin ang hindi nakinig! Sa kabila ng ating kawalang paki at tila pagwawalang bahala sa Kanyang efforts, hindi tayo sinukuan ng Diyos. Sa sukdulan ngang pagmamahal Niya sa atin, pati ang Kanyang nag-iisa at pinakamamahal na Anak na si Hesus ay Kanya nang ipinadala sa atin. Sa pamamagitan ni Hesus, nagging malinaw na sa atin ang paraan at ang daan, patungo sa ating kaligtasan, patungo sa Diyos. Kaya’t, mga kapanalig, nasa sa ating mga kamay na ngayon ang desisyon: Magpapatuloy ba tayong magbibingi-bingihan? O buong katapatan na nating tatanggapin at isasabuhay ang mga aral at utos ni Hesus?   Manalangin tayo. Panginoon, palambutin Mo ang matigas kong puso. Nawa’y talikdan ko na ang kasalanan at manatili na akong tapat sa Iyo hanggang sa oras ng aking kamatayan. Amen.    FR. OLIVER VERGEL PAR, SSP l Society of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 14, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Disyembre 15, 2023 - Biyernes l Ikalawang Linggo ng Adbiyento

0:00 4:08

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 14, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!