Mabuting Balita l Disyembre 16, 2023 – Sabado l Ikalawang Linggo ng Adbiyento	 episode artwork

EPISODE · Dec 15, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 16, 2023 – Sabado l Ikalawang Linggo ng Adbiyento

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 16, 2023 – Sabado l Ikalawang Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Jn 5: 33-36  “Nagsugo rin kayo kay Juan at binigyang-patotoo niya ang katotohanan. Ipinaaalala ko ito dahil sa inyo para maligtas kayo, ngunit hindi ko hangad ang patotoong mula sa tao. Isa nga s’yang ilaw na may sindi at nagningning, at ginusto ninyong magalak pansamantala sa kanyang liwanag. May patotoo naman ako na higit pa kaysa kay Juan – ang mga gawang ibinigay sa akin ng Ama upang tuparin ko ang mga iyon.  Ang mga gawang ginagawa ko ay nagpapatotoo na sinugo ako ng Ama.   Pagninilay: Medyo marami na ang nagka-caroling, ang mga parol sa mga bahay at gusali, at lumalamig na. Kumakalembang na rin ang simbahan sa madaling araw, at naaamoy na natin ang bibingka at puto bumbong. Lahat ng ito ay nagsasabing Simbang Gabi na! At para sa ating mga Pilipino, Pasko na! Maligayang Pasko po at mapagpalang simula ng Simbang Gabi! Marami sa atin ang namamanata na makumpleto ang Simbang Gabi upang humiling kay Baby Hesus ng regalo. Pero alam n’yo ba na meron ding nagsisimbang gabi hindi para humingi, kundi para magpasalamat sa lahat ng biyayang natanggap sa loob ng buong taon!  Sa Mabuting Balita ngayon, sinabi ni Hesus na nagpatotoo si Juan Bautista na si Hesus ang Anak ng Diyos. Pero mas higit ang pagpatotoo ni Hesus mismo, dahil hindi lang ito sa pamamagitan ng salita, kundi sa kanyang mga gawa – sa pagpapagaling sa mga maysakit at pagtulong sa mga nangangailangan, sa mga milagrong ginawa niya.  Gaya nang kailangan natin ng mga tanda sa pagdiriwang ng Pasko, ganun din, kailangang makita ang ating pananampalataya. Hindi sapat ang maniwala. Kailangang manalig, magtiwala at gumalaw ayon dito – makita sa ating mga gawa na totoo ngang buhay si Hesus sa ating puso at pang-araw-araw na buhay.  Kapanalig, paano mo mapapatunayang Kristiyano ka ngayong araw sa gagawin mo?  Manalangin tayo: Panginoon, maging tanda nawa kami sa aming pamilya, sa trabaho, sa aming mga kaibigan at kakilala, na may Diyos na nangangalaga sa lahat, nagpapatawad, at nagmamahal sa kabila ng aming mga kasalanan at kahinaan. Amen.  -SR. ROSE AGTARAP, FSP l Daughter’s of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 15, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Disyembre 16, 2023 – Sabado l Ikalawang Linggo ng Adbiyento

0:00 4:29

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 15, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!