EPISODE · Dec 16, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Disyembre 17, 2023 – Ikatlong Linggo ng Adbiyento (B)
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Disyembre 17, 2023 – Ikatlong Linggo ng Adbiyento (B) Ebanghelyo: Jn. 1:6-8,19-28 May taong sinugo ang Diyos—Juan ang kanyang pangalan. Dumating siya para magpatotoo, para magpatotoo tungkol sa liwanag, upang maniwala ang lahat sa pamamagitan niya. Hindi iyon ang liwanag, Kundi patotoo tungkol sa liwanag. Ito ang pagpapatotoo ni Juan, nang suguin sa kanya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang ilang mga pari at mga Levita para tanungin siya: “Sino ka ba?” Sinabi niya ang katotohanan at di ipinagkaila; kanya ngang sinabi: “Hindi ako ang Kristo.” “Ano ka kung gayon? Si Elias ka ba?” “Hindi.” “Ang Propeta ka ba? “Hindi.” “Sino ka ba? Para may maisagot kami sa mga nagsugo sa amin. Ano ba ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?” “Ako ang ‘tinig na sumisigaw sa ilang, “tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon.”’” “At bakit ka nagbibinyag kung hindi ikaw ang Kristo, ni si Elias, ni ang Propeta?” “Sa tubig lang ako nagbibinyag, ngunit kasama naman ninyo siyang nakatayo na hindi pa ninyo nakikilala. Dumating siya na kasunod ko ngunit hindi ako karapat-dapat na magkalag ng panali ng kanyang panyapak.” Sa Betaraba nangyari ang mga ito, sa kabilang ibayo ng Jordan na pinagbibinyagan ni Juan. Pagninilay: Magalak kayo! Nalalapit na ang pagdating ng ating Panginoon. Mga kapanalig, ngayong Gaudete Sunday ipinapaalala sa atin na ang pag-ibig ng Diyos ay patuloy na nagliliwanag sa ating buhay, kahit pa tayo ay nag-aantabay. Ito ay lihim na nagbibigay init sa ating mga puso at nagpapatibay sa ating pag-asa. Katulad ni Juan Bautista, inaanyayahan din tayo na maging mga tagapagdala ng liwanag ng Diyos sa ating mundo. Nawa'y ang panahon ng Adbiyento ay maging pagkakataon para sa atin, na masilayan ang liwanag ng Diyos sa ating mga buhay, upang maging mga tagapagdala tayo ng pag-asa at kagalakan sa ating mundo. Sa mundo na nababalot sa dilim, kailangan na kailangan ang liwanag. Pero tandaan natin, hindi tayo ang ilaw, tayo lamang ang tagapaghatid ng liwanag. Mga kapanalig, maging mapagkumbaba tayo tulad ng pagpapakumbaba ni Juan Bautista. Sa ganitong paraan, nagiging bahagi tayo ng masaganang pagdiriwang ng pagdating ng ating Panginoon. Malapit na ang Pasko! Malapit na nating masilayan ang liwanag ni Kristo! -FR. ROLLY GARCIA JR.
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Disyembre 17, 2023 – Ikatlong Linggo ng Adbiyento (B)
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.