Mabuting Balita l Disyembre 18, 2023 – Lunes l Huling Linggo ng Adbiyento episode artwork

EPISODE · Dec 17, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 18, 2023 – Lunes l Huling Linggo ng Adbiyento

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 18, 2023 – Lunes l Huling Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Mateo 1: 18-25 Ito ang pangyayaring napaloob sa kapanganakan ni Jesucristo. Ipinagkasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo. Kaya binalak ni Jose na hiwalayan nang lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw niya itong mapahiya. Habang iniisip-isip niya ito, nagpakita sa kanya sa panaginip ang Anghel ng Panginoon at sinabi: “Jose anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria bilang iyong asawa. Gawa ng Espiritu Santo kaya siya naglihi, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki, na pangangalanan mong Hesus sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang sambayanan mula sa kanilang mga kasalanan.” Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi nga ng Panginoon sa pamamagitan ng Propeta: “Maglilihi ang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin nila siyang Emmanuel na ibig sabihi’y ‘Nasa-atin-ang-Diyos.’  Kaya pagkagising ni Jose, ginawa niya ang sinabi ng Angel ng Panginoon at tinanggap niya ang kanyang asawa.   Pagninilay Kabi-kabila maririnig natin, Lord, nasaan ka?  Nandiyan ka pa ba, Lord?  Nababahala ka ba sa nangyayari sa amin? Nakikita mo ba ang mga inosente at musmos na pinagmamalupitan, hinahalay, kinikitil? Ito ang mga hinaing natin sa mga nagaganap na digmaan, human trafficking, paglilipol ng lahi, drug-related crimes at iba pa. Mas malubha pa ang panaghoy natin kung mismong kamag-anak natin o taong malalapit sa atin ang nabibiktima. Ito ang dahilan nang pagdating ng Emmanuel dito sa lupa. Dumating Siya para tubusin tayo hindi lang sa kasalanan nating nagawa kundi sa bunga ng ating pagkakasala. Totoo. Ang kasalanan ang dahilan ng lahat ng nararanasan nating dusa. Kaya bago natin sisihin ang mga terorista, mga kriminal, o ang mga resistance movements, suriin natin ang sarili nating kahinaan. Baka nagmamalaki na tayo, nagiging makasarili, mainggitin, nagkikimkim ng matinding poot, gahaman sa yaman. Kung nabibilang na tayo sa ganitong sala, humingi tayo ng tawad sa Diyos. Buong kababaang-loob natin Siyang tanggapin bilang” Emmanuel”. I-renew natin ang pagtanggap natin sa Kanya bilang hindi nagpapabaya. Kailanman, hindi niya tayo pinababayaan. Kaya, gawin ang dapat para hindi rin natin pabayaang mahandusay ang mga tumatangis ngayon, ang mga naghihirap na damdamin, ang mga nasisikil sa hustisya, ang mga walang makain. Nasa atin ang Diyos. Personal din nating angkinin ang kahulugan ng Emmanuel. “Nasa akin ang Diyos.” Nabubuhay sa akin ang Diyos na puno ng kapayapaan, awa, ligaya, katarungan, at pagmamahal.   -SR. GEMMA RIA DELA CRUZ, FSP l Daughter’s of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 17, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Disyembre 18, 2023 – Lunes l Huling Linggo ng Adbiyento

0:00 4:36

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 17, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!