Mabuting Balita l Disyembre 19, 2023 – Martes l Huling Linggo ng Adbiyento episode artwork

EPISODE · Dec 18, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 19, 2023 – Martes l Huling Linggo ng Adbiyento

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 19, 2023 – Martes l Huling Linggo ng  Adbiyento Ebanghelyo: Lucas 1:5-25 Sa kapanahunan ni Herodes na hari ng Judea, may isang paring nagngangalang Zacarias, mula sa pangkat ni Abias. Mula rin sa lahi ni Aaron ang kanyang asawa na Elizabeth ang pangalan. Kapuwa sila matuwid sa harap ng Diyos at namumuhay nang walang kapintasan ayon sa lahat ng Batas at Kautusan ng Panginoon. Ngunit wala silang anak dahil baog si Elizabeth at kapuwa matanda na sila. Minsan, habang naglilingkod si Zacarias sa harap ng Diyos nang turno pa ng kanyang pangkat. Nagpalabunutan sila ayon sa kaugalian ng kaparian at s’ya ang napiling pumasok sa Santuwaryo ng Panginoon para magsunog ng insenso. Kaya sa oras ng pag-aalay ng insenso habang nanalangin ang buong bayan sa labas, napakita sa kanya ang Anghel ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng altar ng insenso. Naligalig si Zacarias at sinidlan ng takot pagkakita rito. Ngunit sinabi sa kanya ng Angel: “Huwag kang matakot, Zacarias; dininig na ang iyong panalangin. Ipanganganak sa iyo ng asawa mong si Elizabeth ang isang anak na lalaki, at pangangalanan mo siyang Juan. Magiging maligaya at tuwa mo s’ya. At marami rin ang magagalak dahil sa kanyang pagsilang. Magiging dakila nga s’ya sa harap ng Panginoon. Hindi s’ya iinom ng alak ng ubas o ng butil at mapupuspos s’ya ng Espiritu Santo mula sa sinapupunan ng kanyng ina. Panunumbalikin n’ya ang maraming anak ng Israel sa Panginoong kanilang Diyos.  Mangunguna s’ya sa kanya taglay ang diwa at kapangyarihan ni Elias para papagkasunduin ang mga magulang at mga anak at ibalik ang mga masuwayin sa pag unawang bagay sa makatarungan upang maihanda ang isang bayang angkop sa Panginoon.” Sinabi naman ni Zacarias sa Anghel: “Paano ko ito matitiyak? Matanda na nga ako at may katandaan na rin ang aking asawa.” “Ako si Gabriel na nasa harap ng Diyos. Ako ang sinugo sa ‘yo para kausapin ka at ihatid ang magandang balitang ito. Matutupad sa takdang panahon ang aking mga salita; ngunit ikaw na di naniniwala ay maging pipi at di makapagsasalita hanggang sa araw na mangyari ang mga ito.”  Naghihintay naman kay Zacarias ang bayan at nagtataka sa pagtatagal n’ya sa loob ng Santuwaryo. Nang lumabas s’ya hindi na s’ya makapagsalita kaya nalaman nila nakakita s’ya ng isang pangitain sa loob ng Santuwaryo. Sumisenyas na lamang s’ya sa kanila at nanatiling pipi.  Nang matapos na ang panahon ng kanyang paglilingkod, umuwi si Zacarias. At pagkaraan ng mga araw, nagdalantao ang asawa niyang si Elizabeth ngunit limang buwan itong hindi lumalabas ng bahay at sinabi: “Ganito ang ginawa ng Panginoon na nagpasiyang alisin ang kahihiyan ko sa paningin ng mga tao.” Pagninilay: Takot, duda, pagtatanong, yan ang nanaig sa puso ni Zacarias. Valid ho yun, bakit? Dahil matanda na sila ni Elisabet, ano pa ba ang kanyang aasahan? Pero iba gumalaw at gumawa ang Diyos. Magkakaanak nga sila.  Kung minsan mga kapanalig, hilig nating ikahon ang Diyos. Limitahan siya sa makitid nating utak at puso. Mayabang tayo’t hinahamak siya sa kung ano pa ang kaya niyang gawin sa ating buhay. Mapawi nawa ng ilaw ng darating na Mesiyas ang dilim ng ating pagmamataas upang mabago ang ating puso. Asahan nating nariyan siya, at patuloy tayong pinagpapala kahit para bang di na natin siya madama o naaaninag. Sana sa ating pananahimik, mas makita natin ang pagpapala upang ang buhay natin ay maging awit ni Zacarias: Benedictus—ang walang hanggang pasasalamat sa mapagpalang Diyos.  -CL. VINZ AURELLANO, SSP l Society of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 18, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Disyembre 19, 2023 – Martes l Huling Linggo ng Adbiyento

0:00 4:35

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 18, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!