Mabuting Balita l Disyembre 20, 2023 – Miyerkules l Huling Linggo ng Adbiyento episode artwork

EPISODE · Dec 19, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 20, 2023 – Miyerkules l Huling Linggo ng Adbiyento

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 20, 2023 – Miyerkules l Huling Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Lc 1:26-38 Sa ikaanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Sinugo ito sa isang birhen na ipinagkasundo na sa isang lalaking nagngangalang Jose mula sa sambahayan ni David; at Maria naman ang pangalan ng Birhen. Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng grasya sumasaiyo ang Panginoon.” Nabagabag naman si Maria dahil sa pananalitang ito at pinagwari kung ano ang pagbating ito. At sinabi ng Anghel sa kanya: “Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang niloloob ang Diyos para sa iyo. At ngayo'y maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na pangangalanan mong Jesus. Magiging dakila siya at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan, at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang ninunong si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailaman; Talaga ngang walang katapusan ang kanyang paghahari.” “Paanong mangyayari ito gayong hindi ako ginagalaw ng lalaki?” “Papanaog sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya magiging banal ang isisilang at tatawaging Anak ng Diyos. At nagdalantao naman ngayon ang pinsan mong si Elizabeth sa kabila ng kanyang katandaan, at nasa ikaanim na buwan na siyang itinuturing na baog. Wala ngang imposible sa Diyos.” “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel   Pagninilay: Nagulumihanan si Maria sa bati ng anghel sa kanya. Paano nga naman siya magdadalang tao, gayung wala naman siyang relasyon sa isang lalaki? Pero dahil ang puso’t kalooban ni Maria ay bukas sa grasya ng Panginoong Diyos, buong kababaang loob niyang tinanggap ang paliwanag ng anghel, kung paano mangyayari ang mga bagay na ipinahiwatig nito. Mga kapanalig, si Maria ay pinagkalooban ng Panginoong Diyos ng pinakadakilang misyon sa buong sanlibutan. At ito ay ang maging Ina ng Manunubos. Isang natatangi at maluwalhating bokasyon. Hindi ninais ni Maria na maging ina ng Mesiyas. Ni hindi sumagi sa kanyang isipan ang bagay na ito. Sa halip, ang tanging laman ng kanyang puso’t isipan, ay ang ipagkaloob ang kanyang sarili sa Panginoon, ang kanyang pagka birhen, at paglingkuran ang Diyos magpakailanman. Kapanalig, lahat tayo’y may misyon at bahaging dapat gampanan sa gawain ng pagtubos ng Diyos. Meron ba tayong kapasidad na pakinggan ang tinig ng Diyos nang buong kababaang loob na katulad ni Maria? Ano ang misyon na ipinagkaloob sa’yo ng Diyos? Ano sa palagay mo ang nais ng Diyos na gawin mo sa iyong buhay? Saan ka tinatawag ng Diyos upang siya’y pagsilbihan? Anuman ang tawag sa’yo ng Diyos, anumang gawain ang ipinagkatiwala Niya sa’yo na dapat mong gampanan, ito ay isang tungkuling ibinigay lamang sa iyo, at tanging sa iyo lamang. Huwag mag-atubiling tanggapin ito. Ibigay ang iyong sarili nang buong pagtatalaga, sa anumang misyong tinanggap mo sa Diyos, at hayaan Siyang gumawa ng mga dakilang bagay s pamamagitan mo. Kapanalig, tularan natin ang Inang Maria. Buksan natin ang ating puso’t isipan sa grasya ng Diyos, at buong kababaang-loob na bigkasin: “maganap nawa sa akin ayon sa iyong salita.”   -SR. PINKY BARRIENTOS, FSP l Daughter’s of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 19, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Disyembre 20, 2023 – Miyerkules l Huling Linggo ng Adbiyento

0:00 4:20

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 19, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!