EPISODE · Dec 21, 2023 · 3 MIN
Mabuting Balita l Disyembre 22, 2023 – Biyernes l Huling Linggo ng Adbiyento
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Disyembre 22, 2023 – Biyernes l Huling Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Lucas 1:46-56 Sinabi ni Maria: Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng May kapangyarihan, banal ang kanyang Ngalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali’t salinlahi. para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, Ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak Pinatalsik niya sa luklukan ang mga may kapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, at itinaboy naming walang-wala ang mga mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingcod, Inalala ang kanyang awa. Ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, Kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailan man.” Mga tatlong buwan nanatili si Maria kasama ni Eelizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay. Pagninilay: Dalawang tulog na lang! Pasko na! Ganito kami ka-excited na magkakapatid noon, kapag malapit nang matapos ang Simbang Gabi. Tulog ang binibilang, hindi araw. Dala-dala ni Maria sa kanyang sinapupunan ang Anak ng Diyos, at buong pagkatao niya ay punumpuno ng kaligayahan. At katulad natin kapag nagsasaya, hindi natin maiwasan ang kumanta – si Maria rin ay umawit ng kanyang Magnificat! Nadama niya ang paglingap ng Diyos sa kanyang kababaan at nagpuri siya sa Panginoon. Habang pinakikinggan natin ang kanyang awit sa araw na ito, magandang tingnan din natin kung gaano tayo kaliit sa harap ng kadakilaan ng ating Diyos na may gawa ng langit at lupa. Sabi nga sa salmo: “Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?” Kapanalig, anong mga biyaya ang natanggap mo o ginawa ng Diyos para sa iyo? Alalahanin mo ang ilan sa mga ito, at kasama ni Maria ay magpuri tayo: “Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas, sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong pinagpala; dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Banal ang kanyang pangalan!” Amen. -Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughter’s of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Disyembre 22, 2023 – Biyernes l Huling Linggo ng Adbiyento
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.