Mabuting Balita l Disyembre 23, 2023 – Sabado l Huling Linggo ng Adbiyento episode artwork

EPISODE · Dec 22, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 23, 2023 – Sabado l Huling Linggo ng Adbiyento

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 23, 2023 – Sabado l Huling Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Lucas 1:57-66 Nang sumapit na ang panganganak ni Elizabeth, isang anak na lalaki ang isinilang niya. Narinig ng mga kapitbahay at mga kamag-anakan n’ya kung gaano nagdadalang-awa sa kanya ang Panginoon kayat nakigalak sila sa kanya. Nang ikawalong araw na, dumating sila upang tuliin ang sanggol at pangangalanan sana nila itong Zacarias gaya ng kanyang ama. Sumagot naman ang kanyang ina: “Hindi, tatawagin siyang Juan.” “Wala ka namang kamag-anak na may ganyang pangalan.” Kaya sumenyas sila sa ama ng sanggol kung ano ang gusto niyang itawag dito. Humingi siya ng isang sulatan, at sa pagtataka ng lahat ay kanyang isinusulat: “Juan ang pangalan niya.” Noon di’y nabuksan ang kanyang bibig at nakalag ang kanyang dila. Nakapagsalita siya at nagpuri sa Diyos. Kaya namayani ang banal na pagkatakot sa kanilang kapitbahay. At naging usap-usapan ang lahat ng pangyayaring ito sa buong mataas na lupain ng Juda. Nag-isip-isip ang mga nakarinig at nagtanungan: “Ano na kaya ang mangyayari sa sanggol na ito?” dahil sumasakanyang talaga ang kamay ng Panginoon.   Pagninilay: Nakakaaliw ang huling parte ng Mabuting Balita ngayon. Hindi nakaligtas sa mga Marites ang mag-asawang Zacarias at Elizabeth. Naging usap-usapan daw sa buong bulubundukin ng Judea, ang mga nangyari sa buhay nila. Mabilis kumalat ang balita, pinag-isipan pa nga daw ito ng mga nakabalita, takang-taka sila kung ano ang kahihinatnan ng batang si Juan “sapagkat nasa kanya ang kapangyarihan ng Panginoon.” Matatandaan, na nang mabalitaan ng kanilang mga kapitbahay at kamag-anak ang pagsilang ni Elizabeth, nagdagsaan ito sa kanilang tahanan. Marahil curious na makakita ng isang lola at lolong naging magulang, for the first time, sa kanilang katandaan. Hindi lang yan, bumalik uli sila sa pagtutuli ng sanggol, para mag suggest ng pangalan ng bata. Mga kapanalig, minsan masyado tayong excited!  Gustong-gusto nating pangunahan ang mga plano ng Panginoon. Hindi tayo makapaghintay, kaya gumagawa tayo ng paraan upang maisakatuparan ang mga nais natin. Kapag sumablay, saka pa lang natin naaalalang ni hindi man lang pala natin naisa alang-alang ang Kanyang kalooban. Isang napakabanal na gawi ng aming Blessed founder, James Alberione, Tagapagtatag ng Pauline Family, ang sumangguni sa Panginoon sa anumang desisyon na kailangan niyang gawin. Inaabot siya ng halos apat na oras sa pananalangin, upang mabatid ang kalooban ng Diyos. Kapanalig, magsumikap tayong magtiwala sa Diyos sa lahat ng pagkakataon. Manalangin. Sumangguni sa Kanya, huwag Siyang pangunahan. Hindi kailangang magmadali. Maghintay. Batid ng Diyos ang tamang oras, para ibigay ang ating hinihiling kung ito’y makakabuti sa atin. God’s timing is always perfect. Napakabuti ng Diyos, ipinagkakaloob Niya sa atin, ano mang makabubuti sa atin, kahit hindi natin ito hinihiling.   -       Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughter’s of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 22, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Disyembre 23, 2023 – Sabado l Huling Linggo ng Adbiyento

0:00 4:16

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 22, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!