EPISODE · Dec 23, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Disyembre 24, 2023 – Ikaapat na Linggo ng Adbiyento (B)
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Disyembre 24, 2023 – Ikaapat na Linggo ng Adbiyento (B) Ebanghelyo: Lucas 1, 26-38 Sa ikaanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Sinugo ito sa isang birhen na ipinagkasundo na sa isang lalaking nagngangalang Jose mula sa sambahayan ni David; at Maria naman ang pangalan ng Birhen. Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng grasya sumasaiyo ang Panginoon.” Nabagabag naman si Maria dahil sa pananalitang ito at pinagwari kung ano ang pagbating ito. At sinabi ng Anghel sa kanya: “Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang niloloob ang Diyos para sa iyo. At ngayo'y maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na pangangalanan mong Jesus. Magiging dakila siya at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan, at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang ninunong si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailaman; talaga ngang walang katapusan ang kanyang paghahari.” “Paanong mangyayari ito gayong hindi ako ginagalaw ng lalaki?” “Papanaog sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya magiging banal ang isisilang at tatawaging Anak ng Diyos. At nagdalantao naman ngayon ang pinsan mong si Elizabeth sa kabila ng kanyang katandaan, at nasa ikaanim na buwan na siyang itinuturing na baog. Wala ngang imposible sa Diyos.” “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel Pagninilay: Nang magpakita ang anghel kay Maria at ibalita sa kanya na siya’y magbubuntis o magdadalang tao kay Hesus, may kakayanan siyang tanggihan ito. Pero hindi niya ito ginawa. Pinili niya ang kalooban ng Diyos para sa kanya, kahit na maraming pangamba ang kanyang puso. Mga kapanalig, maraming pagkakataon na maaring ang pagpili natin sa mabuti, pagpili sa kung ano ang makatarungan, at pagpili kung ano ang tama ay hindi magiging isang madaling desisyon. Pero huwag sana tayong pangunahan ng takot! Sa kabila ng pangamba, manatili tayong tapat sa pagpili sa kung ano ang tama, mabuti, makatarungan, at kaibig-ibig sa mata ng Diyos! Kailanma’y hindi pinababayaan ng Diyos ang taong nasa panig Niya at handang gawin ang kanyang kalooban. Manalangin tayo. Panginoon namin, bigyan mo ako ng lakas ng loob, na tulad ng kay Maria na aming Ina. Maging matapang nawa ako na piliin at tupdin ang iyong kalooban. Amen. FR. OLIVER VERGEL PAR, SSP l Society of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Disyembre 24, 2023 – Ikaapat na Linggo ng Adbiyento (B)
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.