Mabuting Balita l Disyembre 25, 2023 – Lunes l Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon  episode artwork

EPISODE · Dec 24, 2023 · 5 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 25, 2023 – Lunes l Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 25, 2023 – Lunes l Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon Ebanghelyo: Juan 1:1-18 Sa simula’y may Wikang-Salita na nga, at kaharap ng Diyos ang Salita, at Diyos ang Salita. Kaharap na nga siya ng Diyos sa simula. Sa pamamagitan niya niyari tanang mga bagay, at kung wala siya, walang anumang nayari. Ang nayari ay buhay sa kanya, at liwanag ng mga tao ang buhay. Sa karimlan sumisikat ang liwanag at hindi ito nahadlangan ng karimlan. May taong sinugo ang Diyos—Juan ang kanyang pangalan. Dumating siya para magpatotoo, para magpatotoo tungkol sa liwanag, upang maniwala ang lahat sa pamamagitan niya. Hindi ‘yon liwanag, kundi patotoo tungkol sa Liwanag. Pagkat paparating noon sa mundo ang Liwanag na totoo na siyang tumatanglaw sa bawat tao. Bagamat nasa mundo siya at sa pamamagitan n’ya nagawa ang mundo. Hindi s’ya kilala ng mundo. Sa sariling kanya s’ya pumarito at hindi siya tinanggap ng mga kanya. Ngunit sinumang tumanggap sa kanya sa paniniwala sa kanyang Pangalan, binigyang kakayahan nga sila na maging mga anak ng Diyos. Hindi mula sa dugo ang kanilang pagsilang, ni mula sa kagustuhan ng laman ni sa kagustuhan ng lalaki kundi mula sa Diyos. At naging laman ang Wikang-Salita at itinayo ang kanyang tolda sa atin, at nakita natin ang kanyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatiang mula sa Ama na bagay para sa bugtong na Anak, kaya lipos sa ng kagandahang-loob at katotohanan. Nagpatotoo sa kanya si Juan at isinisigaw: “Siya ang aking tinukoy: nagpauna na sa akin ang dumating na kasunod ko, sapagkat bago ako’y siya na.” Mula sa kanyang kapuspusan nga tumanggap tayong lahat, oo, abut-abot na kagandahang loob. Sa pamamagitan ni Moises ibinigay ang Batas, sa pamamagitan ni Jesucristo naman dumating ang kagandahang-loob at ang katotohanan. Kailanma’y walang sinumang nakakita sa Diyos; ang Bugtong na Anak lamang ang nagpahayag sa kanya, siya ang nasa kandungan ng Ama.  Pagninilay: Sa wakas dumating na ang pinakahihintay nating araw ng Pagsilang ng ating Panginoon.  Kaya kahit puyat tayo sa midnight Mass, mahalagang magsimba pa rin tayo sa araw na ito bilang pasasalamat sa Panginoong Hesus na unang nagbigay ng Kanyang Sarili noong Unang Pasko.  Nagkatawang tao ang Diyos upang mamuhay kasama natin, para tubusin tayo sa kasalanan. Hindi ba isa itong dakila at napakalaking regalo mula sa Diyos? Pinawi ng Diyos ang dilim at pagkatakot na bumabalot sa ating mundo sa pamamagitan ng pagsilang ng Ilaw ng Sanlibutan, si Hesus-Emmanuel, Panginoon at Diyos na laging sumasaatin.   Dahil sa pasko, nagkaroon ng ibayong pag-asa ang sangkatauhan.  Hindi nananaig ang kadiliman dahil dumating ang Salita ng Diyos at nagkatawang tao na siyang Liwanag ng sanlibutan.  Dahil sa pasko, alam nating tunay tayong minamahal ng Diyos. Manalangin tayo.  O Diyos Amang Mapagmahal, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa araw na ito ng Pasko, kung saan sinasariwa namin ang kapanganakan ng Iyong kaisa-isa at pinakamamahal na Anak na si Hesus sa aming piling. Tanda ng Iyong wagas at dakilang pagmamahal sa bawat isa sa amin.  Salamat po sa pagpadala Mo sa amin ng Iyong Anak na si Hesus, ang katuparan ng Iyong pangakong Tagapagligtas.  Sa pagdiriwang po namin ngayon ng Pasko ng Pagsilang ng Iyong Anak, magdulot nawa ito sa amin ng panibagong pag-asa na kailanman, hinding-hindi mo kami iiwan at pababayaan, lalo na sa matitinding pagsubok sa buhay.  Salamat po, O Diyos Ama.  Salamat po.  Amen.  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 24, 2023

Embed this episode

Ready to play

Mabuting Balita l Disyembre 25, 2023 – Lunes l Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon

0:00 5:27

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 24, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!