Mabuting Balita l Disyembre 26, 2023 – Martesl Kapistahan ni San Esteban l unang martir episode artwork

EPISODE · Dec 25, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 26, 2023 – Martesl Kapistahan ni San Esteban l unang martir

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 26, 2023 – Martes l Kapistahan ni San Esteban l unang martir Ebanghelyo: Mateo 10:17-22 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat sa mga tao, ibibigay nga nila kayo sa mga sanggunian at hahagupitin kayo sa kanilang mga sinagoga. Dadalhin nila kayo sa mga pinuno at mga hari dahil sa akin, at dapat kayong magbigay-patotoo sa kanila at sa mga pagano. Pag iniharap naman kayo, huwag mag-alala sa inyong sasabihin; sa oras na iyo’y ibibigay nga sa inyo ang inyong sasabihin. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan Ninyo. Ipapapatay ng kapatid ang sariling kapatid, ng ama ang kanyang anak; at isasakdal ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay sila. Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa akin ngunit sa pananatili lamang ninyong matatag hanggang wakas kayo maliligtas.   Pagninilay:    Kahapon, ipinagdiwang natin ang pagsilang ni Hesus sa sanlibutan, isang pagdiriwang na punong-puno ng kasiyahan. Ngayon naman, ipinagdiriwang ng Inang Simbahan ang kapistahan ni San Esteban, Unang Martir. Marahil, itatanong natin, bakit ganun, kahapon ang saya-saya, kasi pagsilang ang ating ipinagdiwang, tapos ngayon, kamatayan agad? Pero kung tutuusin, hindi kamatayan ang ating ipinagdiriwang sa kapistahang ito ni San Esteban, kundi ang kanyang pagsilang sa walang hanggang buhay. Oo, ibang uri ng pagsilang. Pagsilang ito sa buhay na walang hanggan na kung saan, makakapiling natin ang Panginoong Diyos magpakailanman. At iyon ang dahilan, kung bakit isinilang si Hesus na katulad natin. Nang sa gayon, maipakita sa atin ang tamang daan patungo sa Ama sa langit, at tubusin tayo sa ating mga kasalanan.  Mga kapanalig, narinig natin sa Mabuting Balita, ang mga pagsubok na mararanasan at titiisin ng mga tagasunod ni Hesus. Ang mga pagsubok na ito ay naranasan ni San Esteban, at ng marami pang mga tagasunod ni Hesus, mga banal at mga martir na nag- alay ng kanilang buhay dahil sa kanilang pananampalataya at pagsasabuhay sa Mabuting Balita.   Gayundin naman sa panahon natin ngayon. Maraming mga Katoliko Kristiyano ang nakararanas ng persecution at nagiging marginalized, sa lipunang kanilang kinabibilangan, dahil vocal sila sa kanilang pananampalataya, at hindi nila itinatago ang pagsasabuhay nito. Minsan, ang pang-uusig ay ginagawa sa mga banayad na paraan, pero ramdam mo na ginigipit o inuusig ka. Meron ding mga pagkakataon, na ang pag-uusig ay hayagan, at nauuwi sa pagbubuwis ng buhay. Marami na ring beses na nangyari ang ganito, lalo na sa mga bansang minoridad ang Kristyano, at ipinagbabawal ang pagsasabuhay ng pananampalatayang katoliko. Sa harap ng ganitong sitwasyon, nawa'y mabigyan tayo ng lakas at pag-asa ng mga salita ni Hesus: “huwag mabahala, sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.” Amen  -SR. PINKY BARRIENTOS, FSP  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 25, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Disyembre 26, 2023 – Martesl Kapistahan ni San Esteban l unang martir

0:00 4:16

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 25, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!