Mabuting Balita l Disyembre 27, 2023 – Miyerkules l Kapistahan ni San Juan, apostol at ebanghelista episode artwork

EPISODE · Dec 26, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 27, 2023 – Miyerkules l Kapistahan ni San Juan, apostol at ebanghelista

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 27, 2023 – Miyerkules l Kapistahan ni San Juan, apostol at ebanghelista Ebanghelyo: Juan 20:1a, 2-8 Patakbong pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Hesus si Maria Magdalena. Sinabi n’ya sa kanila, “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.” Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad, at pumunta sa libingan. Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngunit mas mabilis tumakbo ang isa pang alagad kaysa kay Pedro, at unang nakarating sa libingan. Pagkayukod niya'y nakita niyang naroroon ang mga telang lino. Ngunit hindi siya pumasok. Dumating si Simon Pedro, na kasunod niya, at pumasok siya sa libingan. Nakita niya na nakalatag ang mga telang lino, at ang panyo namang nakatalukbong sa ulunan niya ay di nakalatag gaya ng mga telang lino kundi nakalulon sa mismong lugar nito. Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan, at nakita niya at naniwala siya.   Pagninilay: Mga kapanalig sa pagkakataong ito, inaanyayahan tayo na suriin ang ating sarili. Hanggang saan ang ating paniniwala sa Diyos? Naniniwala ba tayo na buhay ang Diyos? Naniniwala ba tayo na kaya Niyang gawin, kahit pa ang pinaka imposibleng bagay?  Naniniwala tayong may Diyos, na sinugo ng Diyos si Hesus upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, at pagkalooban tayo ng buhay na walang hanggan, sa kabila ng kamatayan. Kung hindi tayo natatakot na mamatay, ito ang ating panghawakan. Ito rin ang pinanghahawakan ng mga taong hindi natatakot mamatay. Nagtitiwala sila na madaratnan nila ang mas maganda, mas mapayapa at mas maligayang buhay kasama ang Diyos. Nawa’y ito rin ang ating panghawakan.   Tulad ni San Juan, dapat nating palalimin ang ating pananampalataya. Magnilay tayo sa ating mga buhay, kung paano kumikilos ang Diyos.  At hari nawa’y, maging Malapit tayo sa Kanyang mga salita na ating naririnig at pinagninilayan.  Manalangin tayo:  Panginoon, tulad ni San Juan turuan mo po kami na lumalim pa ang aming pananampalataya sa Iyo upang makapamuhay kami ayon sa iyong kalooban. Amen.   -MS. RONALYN DE GUZMAN – Lector Commentator, Minor Basilica of Saint Dominic – San Carlos City, Pangasinan    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 26, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Disyembre 27, 2023 – Miyerkules l Kapistahan ni San Juan, apostol at ebanghelista

0:00 4:27

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 26, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!