Mabuting Balita l Disyembre 28, 2023 – Huwebes l Kapistahan ng Mga Banal na Sanggol na walang Kamalayan episode artwork

EPISODE · Dec 27, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 28, 2023 – Huwebes l Kapistahan ng Mga Banal na Sanggol na walang Kamalayan

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 28, 2023 – Huwebes l Kapistahan ng Mga Banal na Sanggol na walang Kamalayan Ebanghelyo: Mateo 2: 13-18 Pagkaalis ng mga pantas, nagpakita kay Jose ang Angel ng Panginoon sa panaginip at sinabi: “Bumangon ka, dalhin mo ang sanggol at ang kanyang  ina at tumakas pa-Ehipto. Manatili ka roon hanggang sa tawagin ko kayo. Hahanapin nga ni Herodes ang sanggol para patayin.” Bumangon si Jose, at nang gabi ring iyo'y dinala ang sanggol at ang ina nito pa-Ehipto. Doon sila nanirahan hanggang mamatay si Herodes. Sa ganito natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Propeta: “Tinawag ko ang aking anak mula sa Ehipto.” Nagalit naman si Herodes nang malaman nito na napaglalangan siya ng mga pantas. Kaya inutos niyang patayin ang lahat ng batang lalaki sa Betlehem at mga karatig nito, mga batang may dalawang taong gulang pababa, batay sa panahon ng pagsikat ng tala ayon sa mga pantas. Kaya nagkatotoo ang sinabi ni Propeta Jeremias: “Narinig sa Rama ang pagtangis, iyakan at malakas na panaghuyan: iniiyakan ni Raquel ang kanyang mga anak at ayaw paaliw pagkat wala na sila.”   Pagninilay: Kumusta po ang Pasko ninyo? Nawa’y naging masaya ito at payapa kasama ng inyong pamilya at mga mahal sa buhay. Umawit ang mga anghel noong unang Pasko ng “Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan, at kapayapaan sa mga taong may mabuting kalooban!” Pero hindi kapayapaan ang naging tugon ni Herodes, kundi galit at kalupitan. Ipinapatay niya ang lahat ng batang lalaki sa Bethlehem at sa palibot nito, mula sa gulang na dalawang taon pababa. Hindi ba ganyan din ang nangyayari ngayon? Habang ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ng Prinsipe ng Kapayapaan, libu-libong mga bata ang namamatay sa Israel at sa Gaza, dahil sa digmaan. “Tinig ng pananangis at ng malakas na panaghoy” ang maririnig doon. Maraming tao ang nagdurusa dahil sa maling paggamit ng kapangyarihan.  Ano ang nararamdaman mo sa pagkakataong ito? Nakikita mo ba ang kawalang-katarungan sa mundo sa paligid mo? Ano ang sinasabi at ipinagagawa ni Hesus sa iyo?   Manalangin tayo: Panginoon, buksan Mo ang aking puso, sa mga pamilyang nahaharap sa kalungkutan. Gabayan Mo ako, upang magbigay ng saya sa gitna ng kanilang luha, at nang masumpungan ka, ang Emmanuel, ang Diyos na lagi naming kasama. Amen.  -Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughter’s of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 27, 2023

Embed this episode

Ready to play

Mabuting Balita l Disyembre 28, 2023 – Huwebes l Kapistahan ng Mga Banal na Sanggol na walang Kamalayan

0:00 4:22

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 27, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!