Mabuting Balita l Disyembre 29, 2023 - – Biyernes l Ika-5 Araw sa Pagdiriwang ng Pasko	 episode artwork

EPISODE · Dec 28, 2023 · 3 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 29, 2023 - – Biyernes l Ika-5 Araw sa Pagdiriwang ng Pasko

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 29, 2023 – Biyernes l Ika-5 Araw sa Pagdiriwang ng Pasko Ebanghelyo: Lucas 2:22-35 Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala ang sanggol sa Jerusalem para iharap sa Panginoon--tulad ng nasusulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. Dapat din silang mag-alay ng sakripisyo tulad ng binabanggit sa Batas ng Panginoon: isang pares na batubato o dalawang inakay na kalapati. Ngayon sa Jerusalem ay may isang taong nagngangalang Simeon; totoong matuwid at maka-Diyos ang taong iyon. Hinihintay n’ya ang pagpapaginhawa ng Panginoon sa Israel at sumasakanya ang Espiritu Santo. Ipinaalam naman sa kanya ng Espiritu Santo na hindi s’ya mamamatay hangga’t hindi n’ya nakikita ang Mesiyas ng Panginoon. Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pagtutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Hesus para tuparin ang kaugaliang naaayon sa Batas tungkol sa kanya. Pagninilay: Maligayang Pasko sa inyong lahat!  Ngayong ika-limang araw ng Octave of Christmas, narinig natin sa Mabuting Balita ang pagtungo nina Jose at Maria sa templo ng Jerusalem, kasama ang sanggol na si Hesus, upang tuparin ang seremonya ng paglilinis ayon sa Kautusan ni Moises. Sa templo, nakatagpo nila si Simeon isang lalaking matuwid, may takot sa Diyos at naghihintay sa katubusan ng Israel. Nang makita ang sanggol, napabulalas si Simeon at nagpuri sa Diyos: “Ngayon, Panginoon, maaari na pong yumaong mapayapa ang inyong abang alipin ayon sa inyong pangako. Yamang nakita na po ng aking mga mata ang inyong pagliligtas, na inyong inihanda sa harapan ng lahat ng bansa”.   Mga kapanalig, tinuturuan tayo ni Simeon ng isang mahalagang aral. Ito ay ang halaga ng pananampalataya at pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos. Ganap na nagtiwala si Simeon na ang Tagapagligtas ay darating, at nangyari nga ito.  Anong biyaya ang natanggap mo ngayong Pasko?  Anong kahilingan mo ang ipinagkaloob ng Diyos?  Anong pangako ang kanyang tinupad sa iyong buhay?  Katulad ni Simeon, magpasalamat tayo at magpuri sa Diyos dahil sa kanyang katapatan at pagmamahal sa atin.    -FR. ROLLY GARCIA JR.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 28, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Disyembre 29, 2023 - – Biyernes l Ika-5 Araw sa Pagdiriwang ng Pasko

0:00 3:35

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 3 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 28, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!