EPISODE · Dec 2, 2023 · 3 MIN
Mabuting Balita l Disyembre 3, 2023 – Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B)
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Disyembre 3, 2023 – Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B) Ebanghelyo: Marcos 13:33-37 Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad: “Mag-ingat kayo at magpuyat hindi nga ninyo alam kung kailan ang oras. Ipagpalagay natin na nangingibangbayan ang isang tao. Iniiwan niya ang kanyang bahay at ipinagkakatiwala ang lahat sa kanyang mga utusan. May kanya-kanya silang tungkulin at inutusan niyang magbantay ang bantay pinto. Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang oras ng pagdating ng may-ari, kung hapon o hatinggabi o madaling araw. At baka bigla siyang dumating, at madatnan kayong natutulog. Kaya’t sinasabi ko rin sa lahat ang sinasabi kong ito sa inyo: Magbantay.” Pagninilay: Bagong taon ngayon! Simula na ng panahon ng Adbiyento. Panahon ito ng paghahanda at pananabik; pag-aantabay para sa pagbabalik ni Hesus, hindi lamang bilang sanggol sa Belen noong Unang Pasko, kundi bilang Hari at Manunubos sa Kanyang pangalawang pagdating. Sa ating paghahanda, may mga hakbang na maaari nating gawin. Una, inaanyayahan tayo na magdasal. Maglaan tayo ng panahon sa pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa Diyos sa ating mga panalangin. Pangalawa, inaanyayahan tayo na magbalik-loob. Pagkakataon ito na suriin ang ating mga buhay, kilalanin ang mga pagkukulang, at magbagong-buhay. Pangatlo at huli, inaanyayahan tayo na maglingkod sa ating kapwa. Mga kapanalig, sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagtutulungan sa isa't isa, nagiging mga tanglaw tayo sa mundo, na nagpapakita ng pagmamahal ng Diyos sa lahat. Nawa'y maging makabuluhan ang ating pagdiriwang ng Adbiyento at patuloy tayong maglaan ng oras para sa Diyos, sa pagbabalik-loob sa Kanya, at sa paglilingkod sa ating kapwa. FR. ROLLY GARCIA JR.
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Disyembre 3, 2023 – Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B)
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.