Mabuting Balita l Disyembre 30, 2023 - Sabado l Ika-6 na Araw sa Pagdiriwang ng Pasko episode artwork

EPISODE · Dec 29, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 30, 2023 - Sabado l Ika-6 na Araw sa Pagdiriwang ng Pasko

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 30, 2023 - Sabado l Ika-6 na Araw sa Pagdiriwang ng Pasko Ebanghelyo: Lucas 2:36-40 May isa ring babaeng propeta, si Ana na anak ni Panuel na mula sa tribu ng Aser. Matandang-matanda na siya. Pagkaalis sa bahay ng kanyang ama, pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, at nagbuhay biyuda na siya at hindi na siya umaalis sa Templo. Araw-gabi siyang sumasamba sa Diyos sa pag-aayuno at pananalangin. Walumpu’t-apat na taon na siya. Sa pag-akyat niya sa sandalling iyon, nagpuri rin siya sa Diyos at nagpahayag tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa katubusan ng Jerusalem. Nang matupad na ang lahat ng ayon sa Batas ng Panginoon, umuwi sila sa kanilang bayan, sa Nazaret sa Galilea. Lumaki at lumakas ang bata; napuspus siya ng karunungan at sumasakanya ang kagandahang-loob ng Diyos.   Pagninilay: Galing sa Betlehem, dinala naman tayo ngayon ni San Lukas sa templo. Naroon si Propeta Ana, “lumapit siya kina Jose at Maria at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol sa sanggol sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem.” Hindi lamang sa Jerusalem, dumating si Hesus upang palayain tayong lahat sa pagkaalipin sa kasalanan. Agad-agad bang isinakatuparan ang kalooban ng Ama para kay Hesus? “Nang maisagawa na nila ang lahat ng ayon sa itinatakda ng kautusan ng Panginoon, umuwi na sila sa bayan ng Nazaret sa Galilea. Ang bata'y lumaking malusog, puspos ng karunungan, at kalugud-lugod sa Diyos.” Sa isang payak na tahanan sa piling ng kanyang mga magulang lumaking malusog si Hesus, puspos ng karunungan, at kalugud-lugod sa Diyos. Mga kapanalig, pangkaraniwan man ang ating pamumuhay, sa tulong at awa ng Panginoon, maaari itong maging kalugod-lugod sa Kanya. Katulad ni Propeta Ana, ni San Jose, at Birheng Maria, ituon ang lakas nating taglay sa pagmamahal sa Diyos at pagsabuhay ng kanyang Salita, sa paglilingkod, at sa pag gawa ng mabuti. Sa mga kamag-anak Niyang hindi naniniwala sa kanya, sinabi ni Hesus, ““Hindi pa dumating ang aking panahon.” Kapanalig, God’s timing is everything. Magsumikap tularan si Hesus, mamuhay ng kalugod-lugod sa Diyos, magtiwala sa Kanyang pamamaraang maisakatuparan ang Kanyang kalooban, ayon sa panahong kanyang itinakda. Huwag manghinawa, manalig sa Kanya, magtiwala   Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughter’s of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 29, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Disyembre 30, 2023 - Sabado l Ika-6 na Araw sa Pagdiriwang ng Pasko

0:00 4:07

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 29, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!