Mabuting Balita l Disyembre 31, 2023 - Linggo l Ika-7 Araw sa Pagdiriwang ng Pasko	 episode artwork

EPISODE · Dec 30, 2023 · 5 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 31, 2023 - Linggo l Ika-7 Araw sa Pagdiriwang ng Pasko

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 31, 2023 - Linggo l Ika-7 Araw sa Pagdiriwang ng Pasko            Kapistahan ng Banal na Mag-anak ni Hesus, Maria at Jose Ebanghelyo: Lucas 2:22-40 Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala ang sanggol sa Jerusalem para iharap sa Panginoon--tulad ng nasusulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. Dapat din silang mag-alay ng sakripisyo tulad ng binabanggit sa Batas ng Panginoon: isang pares na batubato o dalawang inakay na kalapati. Ngayon sa Jerusalem ay may isang taong nagngangalang Simeon; totoong matuwid at maka-Diyos ang taong iyon. Hinihintay n’ya ang pagpapaginhawa ng Panginoon sa Israel at sumasakanya ang Espiritu Santo. Ipinaalam naman sa kanya ng Espiritu Santo na hindi s’ya mamamatay hangga’t hindi n’ya nakikita ang Mesiyas ng Panginoon. Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pagtutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Hesus para tuparin ang kaugaliang naaayon sa Batas tungkol sa kanya. May isa ring babaeng propeta, si Ana na anak ni Panuel na mula sa tribu ng Aser. Matandang-matanda na siya. Pagkaalis ng bahay sa kanyang ama, pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, at nagbuhay biyuda na siya at hindi na siya umaalis sa Templo. Araw-gabi siyang sumasamba sa Diyos sa pag-aayuno at pananalangin. Walumpu’t-apat na taon na siya. Sa pag-akyat niya sa sandaling iyon, nagpuri rin siya sa Diyos at nagpahayag tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa katubusan ng Jerusalem. Nang matupad na ang lahat ng ayon sa Batas ng Panginoon, umuwi sila sa kanilang bayan, sa Nazaret sa Galilea. Lumalaki at lumakas ang bata; napuspus siya ng karunungan at sumasakanya ang kagandahang-loob ng Diyos. Pagninilay: Tinype ko po sa google habang sinusulat itong aking pagbabahagi: “What is needed to have a happy family?” at ang ganda po ng lumabas na sagot: 1. Eat at least one meal together. Bakit? When you have a meal together as a family, you get to know how each family member's day went, or they may tell their concerns or problems they may have had while you were away. 2. Put mobile phones aside. Spend quality time. 3. Help your children with their assignments. You will discover their weaknesses and strengths. 4. Do house chores together. You'll be happy to learn that you worked hard for it. 5. Take trips together. More than making memories it also promotes independence, self-confidence, and interpersonal skills.  Ang nakakalungkot pong istorya, 20% of marriages in the Philippines are broken, 80% involves children. Sa US po, 40-50% marriages end up in divorce. One of the major reasons? Lack of communication poor communication. Mga kapanalig, marahil ang magandang tanong: “What is needed to have a holy family?” Ang sagot? Tatlo lang: 1. Mary—Humility. 2. Joseph—Man of Faith and Action. 3. Hesus—Love. Hindi naman naging perpekto ang buhay ng banal na mag-anak dito sa mundo, pero nanatili silang banal dahil alam nila kung paano magpakumbaba, manalig, tumalima sa kalooban ng Diyos, at higit sa lahat magmahalan. Ipagdasal po natin ang bawat pamilya, ang kabanalan ng Buhay, ang integridad ng bawat pamilya, ang kabanalan ng bawat pamilya. Because a Holy Family is a happy family. Amen.   -CL. VINZ AURELLANO, SSP l Spciety of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 30, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Disyembre 31, 2023 - Linggo l Ika-7 Araw sa Pagdiriwang ng Pasko

0:00 5:10

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 30, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!