Mabuting Balita l Disyembre 5, 2023 – Martes l Unang Linggo ng Adbiyento episode artwork

EPISODE · Dec 4, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 5, 2023 – Martes l Unang Linggo ng Adbiyento

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 5, 2023 – Martes l Unang Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Lucas 10:21-24 Nag-umapaw sa galak sa Espirito Santo si Hesus at sinabi niya: “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng Langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga bagay na ito sa mga marurunong at matatalino, at ipinamulat mo naman sa maliliit. Oo, Ama, naging kalugud- lugod ito sa iyo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala kung sino ang Anak Kundi ang Ama, kung sino ang Ama kundi ang Anak at sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak” Pagkatapos ay bumaling si Hesus sa mga alagad at sinabi sa kanila nang sarilinan: “Mapalad ang mga matang nakakakita ng inyong nakikita. Sinasabi ko sa inyo na maraming propeta at hari ang nagnais makita ang inyong nakikita pero hindi nila nakita, at marinig ang inyong naririnig pero hindi nila narinig” Pagninilay: Marahil ang pamantayan ni Hesus, ay hindi katulad ng pamantayan ng mundo. Marahil may ibang paraan ng pagtingin si Hesus, hindi katulad kung paano tayo tinitingnan ng mundo. Sa panalangin ni Hesus sa kanyang Ama, itinuturing ni Hesus na mapalad ang mga may kababaang loob; higit pa sila sa mga marurunong at may kapangyarihan. Dahil sa mga katulad nila inilahad ng Diyos, ang kanyang paghahari. At tanging sa pagkakaroon lang ng kalooban tulad ng isang bata – may kababaan, may kapayakan at may pagtalima sa Diyos – matatamo natin ang paghahari ng Diyos. Mga kapanalig, sinasabing ang Adbiyento ay panahon ng paghahanda. Maraming tayong ginagawang paghahanda ngayong papalapit na ang kapaskuhan. Marami na ang nag-iisip ng mga pang regalo, kung ano ang isusuot sa party, kung paano magiging magarbo ang pagdiriwang. Pero huwag din nating kalilimutan ang paghahanda ng ating kalooban. Kung saan ninanais ng Diyos na makatagpo ng espasyo at panahon. Marahil ito na, ang pinaka-nararapat na paghahanda na hinahangad sa atin ng Diyos, higit sa kung ano pa man.  Sa ikalawang bahagi ng ating Mabuting Balita, kaugnay sa pagiging mapalad, sinasabi ni Hesus kung gaano pinagpala ang kanyang mga tagasunod, dahil sa kanilang naririnig at nakikita. Ito ang kaganapan ng paghahari ng Diyos, ang matagal nang ipinangako sa mga propeta at mga hari. Pero hindi ito magaganap at mauunawaan, kung ang kanilang kalooban ay walang pagpapakumbaba, kapayakan at pagtalima sa Diyos. Tayo kaya mga kapanalig, nakikita at naririnig ba natin ang kaganapan ng paghahari ng Diyos sa ating buhay? O nakatuon lang tayo sa mga panlabas na paghahanda. Nawa magkaroon tayo ng tunay na disposisyon, at maihanda ang ating sarili para sa pagdating ng ating Panginoon, Amen.  FR. KEIV AIRES DIMATATAC, SSP l Society of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 4, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Disyembre 5, 2023 – Martes l Unang Linggo ng Adbiyento

0:00 4:42

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 4, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!