Mabuting Balita l Disyembre 6, 2023 – Miyerkules l Unang Linggo ng Adbiyento episode artwork

EPISODE · Dec 5, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 6, 2023 – Miyerkules l Unang Linggo ng Adbiyento

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 6, 2023 – Miyerkules l Unang Linggo ng Adbiyento   Ebanghelyo: Mateo15:29-37 Pumunta si Hesus sa pampang ng lawa ng Galilea, at pagkaakyat sa burol ay naupo. Maraming tao ang lumapit sa kanya, dala-dala ang mga pipi, bulag, pilay, mga may kapansanan, at mga taong may iba’t ibang karamdaman. Inilagay sila ng mga tao sa paanan ni Hesus, at pinagaling niya sila. Kaya namangha ang lahat nang makita nila na nagsasalita ang mga pipi, lumalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga may kapansanan, at nakakakita ang mga bulag; kaya pinuri nila ang Diyos ng Israel. Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang kasama at ayaw kong paalisin silang gutom at baka mahilo sila sa daan.” Sinabi ng mga alagad sa kanya: “At saan naman tayo hahanap ng sapat na tinapay sa ilang na ito para ipakain sa mga taong iyan?” “Ilan bang tinapay meron kayo?” “Pito at kaunting maliliit na isda.” Pinaupo ni Hesus sa lupa ang mga tao, kinuha niya ang pitong tinapay at ang maliliit na isda, at nagpasalamat sa Diyos. Hinati-hati niya ang mga ito at inibigay sa kayang mga alagad, at ibinigay rin nila sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog at inipon ang mga natirang pira-piraso - pitong punong bayong. Pagninilay: Isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Narinig natin na nagtungo si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Galing siya noon sa lupain ng Tiro at Sidon. Bakit mahalaga ang lugar ng Galilea? Dahil sa lugar ng Galilea, panatag ang kalooban ng Panginoong Hesus.  Feeling at home siya sa lugar na ito. Dito Siya lumaki, at dito rin nagsimula ang Kanyang ministeryo. Sa Galilea, gumawa ng maraming kababalaghan O milagro ang Panginoong Hesus. Mga kapatid, napakinggan natin sa ating Mabuting Balita, ang milagro ng pagpaparami ng tinapay at maliliit na isda. Totoo, na sa mga salita at kamay ng Panginoong Hesus walang hindi makapangyayari. Ang mga salita Niya ay makapangyarihan, at ang Kanyang mga kamay ay makapapawi ng gutom. Hindi galing kay Hesus ang pitong tinapay at maliliit na isda. Galing ito sa kanyang mga alagad.  Pero dahil sa kanilang pagsuko, ng kung ano meron sila, dito naganap ang tinatawag na himala. Mga kapatid, maging daluyan nawa tayo ng himala para sa ating kapwa. Amen.   -Sr. Edit Ledda, fsp l Daughters of St. Paul    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 5, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Disyembre 6, 2023 – Miyerkules l Unang Linggo ng Adbiyento

0:00 4:16

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 5, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!