Mabuting Balita l Disyembre 8, 2023 – Biyernes l Unang Linggo ng Adbiyento episode artwork

EPISODE · Dec 7, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Disyembre 8, 2023 – Biyernes l Unang Linggo ng Adbiyento

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Disyembre 8, 2023 – Biyernes l Unang Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Lucas 1:26-38 Nang ikaanim na buwan, ang Anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lunsod ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Sa isang birhen naidulog na sa isang lalaki sa lahi ni David na ang pangalan ay Jose at ang pangalan ng birhen ay Maria, pag pasok niya sa kinaroroonan ng babae ay sinabi niya. “Aba, puspos ka ng biyaya, Ang Panginoon ay sumasaiyo.”  Sa mga pangungusap na ito si Maria ay nagitla. At pinag dili dili ang kahulugan ng gayong bati. Dapatwa’t sinabi sa kanya ng Anghel: “Huwag kang matakot Maria, sapagkat nagging kalugod lugod ka sa mata ng Diyos. Tingni maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na tatawagin mong Hesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang luklukan ni David na kanyang Ama. At maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailaman; At walang katapusan ang kanyang kaharian.” Winika ni Maria sa anghel “Paanong mangyayari ito gayong wala akong nakilalang lalaki?” “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya ang ipapanganak ay magiging banal at tatawaging Anak ng Diyos. At tandaan mo ang kamag anak mong si Isabel ay nag lihi rin ng isang lalaki, sa kanyang katandaan at yaong tinatawag na baog ay nasa ikaanim na buwan na niya, sapagkat sa Diyos ay walang bagay na di mangyayari. “Narito ang lingkod ng Panginoon, maganap nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel.   Pagninilay: Maraming pagkakataon sa ating buhay na makakaranas tayo ng iba’t ibang uri ng pagsubok. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi madaling sabihin na “yes, Lord, I trust in you.” Masasabi lamang ito ng isang taong napakalalim ang pananampalataya sa Panginoong Diyos. Sa Mabuting Balita natin ngayon, narinig natin na nagulumihanan si Maria sa pagbati ng anghel sa kanya. “Napupuspos ka ng biyaya”, “pinagpala ka sa mga kababaihan!”    Mga kapanalig, tayo rin - ikaw at ako - tayong lahat ay pinagpala ng Diyos. Totoo, “not in the same sense as Mary’s blessedness.” Pero pinagpala tayo ng Diyos, dahil pinagkalooban Niya ang bawat isa sa atin ng napakaraming biyaya, at patuloy niyang ginagawa ito upang magampanan natin ng buong tapat ang tungkulin natin sa daigdig. Ang bawat tao ay may natatanging tungkulin na dapat isabuhay upang maganap ang kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan. Isa itong malaking responsibilidad na ipinagkatiwala ng Diyos na tanging ang indibidwal na tao lamang ang makagaganap.  Mga kapanalig, suriin natin ang ating puso at tanungin ang sarili. Pinalalago ko ba ang mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa akin? Ginagampanan ko ba nang buong tapat at may pagmamahal, ang tungkulin na dapat kong gampanan bilang isang anak, kapatid, ina o ama ng tahanan? …at bilang isang kristiyano na tagasunod ni Kristo?  Habang ipinagdiriwang natin ngayong araw ang “Solemnity of the Immaculate Conception,” hilingin natin sa Diyos sa pamamagitan ni Maria ating Ina, na maisabuhay natin nang buong tapat, at nang may malalim na pananampalataya at pagtitiwala sa walang hanggang awa ng Diyos, ang natatanging papel na dapat nating gampanan.   Lahat tayo ay pinagpala! Nawa’y maging biyaya rin tayo sa bawat isa!   -      Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 7, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Disyembre 8, 2023 – Biyernes l Unang Linggo ng Adbiyento

0:00 4:09

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on December 7, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!