Mabuting Balita l Enero 11, 2024 - Huwebes l Unang Linggo ng Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Jan 10, 2024 · 5 MIN

Mabuting Balita l Enero 11, 2024 - Huwebes l Unang Linggo ng Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Enero 11, 2024 - Huwebes Unang Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo:  Marcos 1:40-45 Lumapit sa kanya ang isang may ketong at nakiusap sa kanya: “Kung gusto mo, mapalilinis mo ako.” “Gusto ko, luminis ka!” Nang oras ding iyon, iniwan ang lalaki ng kanyang ketong at luminis siya. Ngunit mahigpit siyang pinagbilinan ni Hesus sa kanyang pag-alis, sinabi niya: “Mag-ingat ka, huwag mo itong sabihin kaninuman, kundi pumunta ka sa pari para masuri ka niya at maialay alang-alang sa pagkalinis sa iyo ang handog na iniutos ni Moises upang magkaroon sila ng patunay.” Ngunit pagkaalis ng tao, sinimulan niyang ipahayag ito kahit saan at ipamalita ang pangyayaring ito. Dahil dito, hindi na lantarang makapasok sa bayan si Hesus kundi nanatili siya sa labas, sa mga ilang na lugar. Ngunit may dumarating pa rin sa kanya na kung saan-saan galing.   Pagninilay: Sa ating Mabuting Balita, inilarawan ang pagkahabag ni Hesus sa isang taong may ketong. Sinabi ng ketongin, “Kung ibig po ninyo’y mapapagaling ninyo ako.” Sino ba naman ang hindi maaantig, sa kalunos-lunos na kalagayan ng isang taong may karamdaman. Naalala ko ang mga panahon na nagbabantay ako ng isang kaanak sa ospital, o kaya noong ako mismo, ay nagkaroon ng pagkakataon, na saglit na makapaglingkod sa isang ospital dito sa maynila. Sa tuwing papasok ako ng silid ng isang may-sakit, at madidinig ko ang kwento ng kanilang mga pinagdadaanan, tiyak na madudurog ang puso ng sinuman, sa bigat at sakit ng pagkakaroon ng karamdaman, lalo na yaong mga may alam, na wala nang lunas ang kanilang iniindang sakit. Nang banggitin ni Hesus ang mga katagang, “Ibig ko, gumaling ka.” Naganap ang matagal nang hinihintay ng taong may karamdaman, ang makahanap ng lunas sa kanyang sakit na dinaranas. Lahat siguro ng may sakit, ito ang dalangin – na sila’y pagalingin ng Panginoon. Lahat ng ating karamdaman, pisikal man yan o espiritwal, pinagagaling, at ibig pagalingin ng Panginoon. Sa tulong ng mga doktor, nars at biyaya ng gamot na nakakatulong magpagaling, mababanaagan ang kamay ng Diyos, na patuloy na gumagabay, at tumutugon sa bawat nating mga pangangailangan o karamdaman. Minsan, sa tindi at bigat ng ating karamdaman, dala ng habag at awa ng Diyos, tinatawag Niya na tayo pabalik at pauwi sa Tahanan ng Ama, upang doon, mawala na nang ganap, ang labis nating paghihirap, o sakit na dala ng ating karamdaman.  Mga kapanalig, huwag tayong mawawalan ng pag-asa sa gitna ng ating mga pagsubok lalo na sa mga karamdaman, alalahanin nating lagi ang mga Salita ni Hesus: “Ibig ko, gumaling ka.” Amen. -Bro. Buen Andrew Cruz, SSP l Society of St. Paul    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jan 10, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Enero 11, 2024 - Huwebes l Unang Linggo ng Karaniwang Panahon

0:00 5:34

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on January 10, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!