Mabuting Balita l Enero 14, 2024 – Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Jan 13, 2024 · 5 MIN

Mabuting Balita l Enero 14, 2024 – Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Enero 14, 2024 – Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Juan 1:35-42 Naroon [sa Betaraba, sa kabilang ibayo ng Jordan] si Juan at dalawa sa kanyang mga alagad. Pagkakita niya kay Hesus na naglalakad, ito ang kanyang sinabi: “Hayan ang Kordero ng Diyos.” At narinig ng dalawang alagad ang kanyang binigkas at sinundan nila si Hesus. Lumingon si Hesus at nakita niya silang sumusunod sa kanya, at sinabi niya sa kanila: “Ano ang hinahanap ninyo?” “Rabbi, saan ka nakatira?” “Halikayo at makikita ninyo.” At pumaroon sila at nakita nila kung saan siya tumutuloy, at maghapon silang nanuluyan sa kanya. Mag-iikaapat ng hapon ang oras noon. Si Andres na kapatid ni Simon Pedro ay isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod sa kanya. Una niyang hinanap ang kapatid niyang si Simon at sinabi sa kanya: “Natagpuan namin ang Mesiyas.” Inihatid niya siya kay Hesus. Pagkakita sa kanya ni Hesus, sinabi niya: “Si Simon ka na anak ni Juan. Kefas ang itatawag sa iyo.”    Pagninilay: “Ano ang kailangan niyo?”, ito ang tanong ni Hesus sa mga alagad ni Juan Bautista na nagsimulang sumunod sa kanya. “Anong kailangan niyo? Anong hinahanap niyo?” Hindi ko alam sa inyo, pero para sa akin, ang problema, hindi ko talaga alam kung ano ang gusto ko. Marahil ang mga alagad ay hindi rin talaga sigurado, dahil hindi sila sumagot nang direkta kay Hesus.  Sa halip, nagtanong sila kung saan siya nakatira. Gusto nilang makasama si Hesus at makilala siya. At ang tugon sa kanila ni Hesus: “Halikayo at tingnan ninyo”. Mga kapanalig, sa bawat simula ng bagong taon, madalas nating itanong “Ano ba ang hinahanap ko?” “Masaya ba ako kung nasaan ako?” “Ito na ba ang lahat?”.  Ang tugon ni Hesus sa mga alagad ay tugon din niya sa atin: “Halikayo at tingnan ninyo”.  Nais ni Hesus na sumama tayo sa kanya, kilalanin siya, at magkaroon ng malalim na ugnayan sa kanya.  Tandaan natin, ang sagot sa pinakamalalim na katanungan at pangangailangan ng sangkatauhan ay hindi sa isang intelektwal na solusyon o pilosopiya makikita, kundi sa isang tao – kay Hesus, ang salitang nagkatawang-tao.  Ngayong bagong taon, sikapin nating laging sumunod kay Hesus, manatili sa kanyang piling at maging tapat sa kanyang mga aral at halimbawa.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jan 13, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Enero 14, 2024 – Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 5:57

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on January 13, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!