Mabuting Balita l Enero 15, 2024 - Lunes l Ikalawang Linggo ng Taon	 episode artwork

EPISODE · Jan 14, 2024 · 5 MIN

Mabuting Balita l Enero 15, 2024 - Lunes l Ikalawang Linggo ng Taon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Enero 15, 2024 - Lunes l Ikalawang Linggo ng Taon Ebanghelyo: Marcos 2:18-22 Nag-aayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga Pariseo. Kaya may lumapit kay Hesus at nagtanong: “May araw ng ayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga alagad ng mga Pariseo, at wala ba namang pag-aayuno ang iyong mga alagad?” “Puwede bang mag-ayuno ang mga abay sa kasalan kapag kasama pa nila ang nobyo? Darating ang panahon na kukunin sa kanila ang nobyo; sa araw na iyon sila mag-aayuno. Walang nagtatagpi ng piraso ng bagong tela sa lumang damit. Kung gagawin mo ito, hihilahin ng tagpi ang damit, ng bago ang luma at lalo pang lalaki ang punit. At hindi ka rin naman maglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlan. Kung gagawin mo ito, papuputukin ng alak ang mga sisidlan at masisira ang alak pati na ang sisidlan. Sa bagong sisidlan ang bagong alak!”    Pagninilay:  Nagsimula ang Mabuting Balita ngayong araw sa pagtatanong ng mga tao kay Hesus: "Bakit hindi nag-aayuno ang iyong mga alagad?" Alam ng lahat na nag-aayuno ang mga Pariseo, gayundin ang mga alagad ni Juan. Naiiba ang naging tugon ni Hesus sa tanong nila. Ginamit nya ang larawan ng isang piging sa kasalan upang sagutin ang kanilang katanungan.  Sinabi ni Hesus sa kanila na hangga't ang ikinasal na lalaki ay nasa reception pa, ang mga panauhin ay patuloy na magdiriwang sa masayang okasyong ito. Ang oras ng pag-aayuno ay nakalaan kapag ang ikinasal na lalaki ay wala na sa piling nila. Ipinagpatuloy ni Hesus ang pagpapaliwanag sa pamamagitan ng paggamit nya ng larawan ng isang balabal na punit-punit at kailangang tagpian. Sinabi nya sa kanyang mga tagapakinig na ang sinumang nasa katinuan ay hindi gagamit ng isang bagong pirasong tela, upang itagpi sa punit-punit na balabal. Ginamit din nya ang larawan ng sisidlang alak, sinabi ni Hesus na “Walang naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan sapagkat puputok ito.   Mga kapanalig, ano ang kahulugan ng talinhagang ito sa konteksto natin ngayon?  Marahil inaanyayahan tayo ng Panginoong Hesus na maging bukas ang isipan to “something new”, sa halip na magpatuloy lamang tayo sa kung ano ang nakagawian na. Walang masama sa mga nakagawian na, pero subukan din nating palawakin ang ating pagtingin, dahil baka tinatawag tayo sa pagbabago o alternatibong pananaw. Kadalasan ang tagumpay o kabiguan sa buhay ay nakasalalay sa ating mga pananaw. Manalangin tayo:  Panginoon, pagkalooban mo po ako ng puso at isipan na handang makinig sa Iyong mensahe. Idinalangin ko po na maging isang bagong balabal, isang bagong sisidlan ng alak, na bukas sa’yong pagpapala, upang maging buhay na saksi ako ng Iyong paghahari dito sa lupa, Amen.      

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jan 14, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Enero 15, 2024 - Lunes l Ikalawang Linggo ng Taon

0:00 5:43

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on January 14, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!