Mabuting Balita l Enero 16, 2024 – Martes l Ikalawang Linggo ng Taon	 episode artwork

EPISODE · Jan 15, 2024 · 5 MIN

Mabuting Balita l Enero 16, 2024 – Martes l Ikalawang Linggo ng Taon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Enero 16, 2024 – Martes Ikalawang Linggo ng Taon Ebanghelyo: Marcos 2:23-28 Naglakad si Hesus sa mga taniman ng trigo minsang Araw ng Pahinga. At habang naglalakad ang kanyang mga alagad, sinimulan nilang alisin sa uhay ang mga butil, at kinain iyon. At sinabi kay Hesus ng mga Pariseo: “Tingnan mo ang ginagawa nila sa Araw ng Pahinga. Hindi ‘yon ipinahihintulot.” “Hindi n’yo ba nabasa ni minsan ang ginagawa ni David nang nangangailangan siya at nagugutom pati na ang kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Diyos nang si Abiatar ang Punong-pari, at kinain ang tinapay na inihain para sa Diyos gayong bawal ito kaninuman liban sa mga pari, at binigyan pa niya pati na ang kanyang mga kasama.” “Dahil sa tao kaya ginawa ang Araw ng Pahinga ngunit hindi ang tao dahil sa Araw ng Pahinga. Kung gayon, ang Anak ng Tao ang Panginoon kahit na ng Araw ng Pahinga.”     Pagninilay: Mahigpit na sinusunod ng mga Hudyo ang Batas ni Moises. Ang Sabbath o araw ng pamamahinga ay parte ng Batas na iyon, at ito ay sagrado para sa kanila. Ang Batas ni Moises ang kanilang sukatan, sa pagiging isang taong matuwid. Kaya nga, sa Mabuting Balita, si San Jose, na ama ng ating Panginoong Hesus dito sa lupa, ay kinilala ng mga ebanghelista bilang taong “matuwid” dahil sinusunod niyang mabuti ang mga Batas ni Moises, isa na dun marahil ang Sabbath. Sa sulat ni San Pablo sa mga taga Galacia, mayroong napakagandang paglalarawan si San Pablo tungkol sa Batas na ito. Sabi niya, ang “Batas ni Moises” ay isang “mentor” o “pais” sa salitang griyego. Tagapaggabay. Pero, ang salitang “pais” din, ay may iba pang kahulugan. “Pais” din ang tawag sa isang tagapag-alaga ng bata, habang wala pa ang magulang. Kaya nga’t kargo niya ang bata, papakainin, aalagaan, o siguro paminsan didisiplinahin. Pero, pag dumating na ang magulang, aba'y syempre, mas mahalaga sila kaysa sa tagapag-alaga. Sa kontekstong ito ang tanong, ano ba ang mas mahalaga yung bata o yung tagapag-alaga? Syempre po, yung bata. Ganito magandang ilarawan ang mabuting balita natin ngayon. Ang bata, tayong lahat, ang “pais” o “mentor” ay ang Batas ni Moises, na kung saan nabibilang ang sabbath. Ang magulang ay si Hesus. Kaya sinasabi ni Hesus: “The sabbath was made for man, not man for the sabbath. That is why the Son of Man is lord even of the sabbath.” Mga kapanalig, kilala tayo ng Diyos at mahal niya tayo, given na yun, higit sa lahat ngayong araw sinasabi sa atin: may pakialam ang Diyos sa’kin at sayo. Siya’y tunay nating Ama, at hinding-hindi Niya tayo pababayaan.  Amen.  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jan 15, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Enero 16, 2024 – Martes l Ikalawang Linggo ng Taon

0:00 5:55

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on January 15, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!