EPISODE · Jan 16, 2024 · 5 MIN
Mabuting Balita l Enero 17, 2024 – Miyerkules l Ikalawang Linggo ng Taon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Enero 17, 2024 – Miyerkules l Ikalawang Linggo ng Taon Ebanghelyo: Marcos 3:1-6 Pumasok si Hesus sa sinagoga, at naroon ang isang lalaki na hindi maigalaw ang kamay, at may gusto ring isumbong si Hesus. Kaya nagmasid sila at baka pagalingin siya ni Hesus sa Araw ng Pahinga. At sinabi naman niya sa taong hindi maigalaw ang kamay: “Tumindig ka sa gitna.” “Ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?” At hindi sila umimik. Kaya tiningnan niya silang lahat, na nagagalit at nalulungkot dahil sa katigasan ng kanilang puso, at sinabi sa lalaki: “lunat mo ang iyong kamay.” Iniunat nga ng tao ang kamay at gumaling ito. Pagkalabas ng mga Pariseo, nakipagtipon sila sa mga kakampi ni Herodes para masiraan nila siya. Pagninilay: Sa Sinagoga kung saan nagtitipon ang mga tao noong panahon ng ating Panginoong Hesus para sa kanilang pagsamba at pag-aaral, pinagmamasdan nila ang ating Panginoon kung siya ay magpapagaling sa Araw ng Pamamahinga, upang siya ay kanilang maisakdal. Mga kapanalig, narinig natin sa pagbasa na tinanong ng Panginoong Hesus ang mga taong nagmamasid sa kanya. Aniya’y, “Ipinahihintulot ba ang gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay O pumatay? At lahat sila ay hindi nakaimik! Sa ating pang- araw- araw na buhay maaaring hindi tayo nalalayo sa karanasang tulad ng sa ating Panginoon Hesus. Yung may nakamasid sa’yo habang ginagampanan ang iyong mga gawain, upang kung sakaling magkamali ka, tuwiran ka nilang pagsasabihan ng iyong pagkakamali. Sa isang banda, dapat din nating i-appreciate ang positibong dulot ng pagtutuwid ng mahinahon sa ating pagkakamali, para na rin sa ating ikabubuti. Sa kabilang banda, mahalagang matanto natin, na hindi natin kayang maibigay ang lahat ng kagustuhan ng mga tao.” We cannot please everybody.” Ang mahalaga gumawa tayo ayon sa ating misyon.
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Enero 17, 2024 – Miyerkules l Ikalawang Linggo ng Taon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.