EPISODE · Jan 17, 2024 · 5 MIN
Mabuting Balita l Enero 18, 2024 – Huwebes l Ikalawang Linggo ng Taon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Enero 18, 2024 – Huwebes Ikalawang Linggo ng Taon Ebanghelyo: Marcos 3:7-12 Lumayo si Hesus na kasama ang kanyang mga alagad papunta sa dagat. Maraming taga-Galilea ang sumunod sa kanya. Mayroon din namang mga taong galing sa Judea at Jerusalem, at sa Idumea at sa kabilang ibayo ng Jordan, at sa Tiro at Sidon. Maraming-marami ang nagpunta sa kanya nang mabalitaan nila ang lahat niyang ginagawa. Kaya tinagubilinan niya ang kanyang mga alagad na ihanda ang isang bangka para sa kanya dahil maraming tao, at baka nila siya maipit. Marami na siyang pinagaling kaya pilit siyang inaabot ng lahat ng may karamdaman para mahipo siya. Sinusugod siya ng mga inaalihan ng maruruming espiritu pagkakita sa kanya. Nagpapatirapa sila sa kanyang paanan at pasigaw nilang sinasabi: “Ikaw ang Anak ng Diyos.” Ngunit tinagubilinan niya silang huwag siyang ibunyag. Pagninilay Narinig natin sa Mabuting Balita, na isang malaking pulutong ng tao, mula sa iba't ibang lugar at rehiyon ang sumusunod kay Hesus. Malamang sila’y naglalakbay ng maraming araw, upang makita si Hesus. What was it that drew people to Jesus? Marahil, magkaka-iba ang sagot. Ang ilan sa kanila ay dahil curious, kaya gusting makita si Hesus. Ang iba nama’y naghahanap ng kagalingan. Gusto ng iba, na mapakinggan ang mga aral at turo ni Hesus. Mangilan-ngilan sa kanila, gustong malaman kung siya nga ba ang Mesiyas. Ang iba naman, humanap ng ebidensyang gagamitin laban sa kanya. Ikaw naman, kapanalig? Bakit ka naaakit kay Hesus? Ano ang iyong pangunahing layunin sa pagsunod sa kanya? Isa sa mga dahilan, kung bakit positibo ang tugon ng mga tao kay Pope Francis, ay dahil nakikita nila sa kanya si Kristo - sa kanyang kababaang-loob at pagiging simple. Ipinakita ni Pope Francis ang kanyang sarili sa mundo, bilang isang icon ng pagiging simple at mababang-loob. Iniiwasang gamitin ni Pope Francis ang papal limousine, at hindi siya tumira sa magarbong Apostolic Palace. At ang mga tao mula sa lahat ng dako, sa lahat ng antas ng pamumuhay, ay hinangaan at iginagalang siya. Isinasabuhay at sinusunod ni Pope Francis ang turo ng kanyang Gurong - si Hesukristo. Mga kapanalig, tayo din ay nahaharap sa isang malaking hamon na tularan ang Panginoong Hesus. Ang Kanyang pagpapakumbaba ay nagbibigay ng tamang landas at nagsisilbing-daan, upang maitanim natin sa iba ang katotohanan ng Mabuting Balita. Ano kaya ang magiging epekto, kung mas makikita ng mga tao si Kristo sa atin? Nawa'y ang ating presensya ay maging isang magnet, na umaakit sa mga tao upang maihatid natin sila sa Diyos. Amen.
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Enero 18, 2024 – Huwebes l Ikalawang Linggo ng Taon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.