EPISODE · Jan 18, 2024 · 5 MIN
Mabuting Balita l Enero 19, 2024 – Biyernes l Ikalawang Linggo ng Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Enero 19, 2024 – Biyernes l Ikalawang Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 3:13-19 Umakyat si Hesus sa burol at tinawag ang mga gusto niya. At lumapit sila sa kanya. Sa gayon niya hinirang ang labindalawa (na tinawag din niyang Mga Apostol) upang makasama niya at maipadala sila para mangaral at magkaroon ng kapangyarihan upang palayasin ang mga demonyo. Kaya itinalaga niya ang Labindalawa at tinawag na Pedro si Simon, at si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan, at tinawag niya silang Boanerges, na ang ibig sabihi'y “Sina-Parang-Kulog”; at saka si Andres, at si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo, si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magkakanulo sa kanya. Pagninilay: Mahalagang kilalanin ang mga apostol ni Hesus, dahil kahit nabuhay sila noong unang panahon, maaari pa rin nating kapulutan ng aral ang kanilang buhay espiritwal. Mahabang talakayan kung iisa-isahin pa natin ang labindalawa, kaya pumili lang ako ng tatlong apostol: Sina Pedro, Mateo, at Tomas. Si Simon na tinawag na Pedro ay kilala sa pagiging “impulsive” at “emotional”. Mabilis siyang mag-react at magsabi ng kanyang opinyon nang hindi lubusang napag-iisipan. Dahil dito madalas siyang magkamali pero mabilis naming tumanggap at magtuwid ng kanyang pagkakamali. Si Mateo naman, tulad natin, nais niya ring maranasan ang tanggapin at mahalin. Kaya nang makilala niya si Hesus, tinalikuran nya ang marangyang buhay at sumunod kay Hesus. Para sa kanya, si Hesus ay higit na mahalaga sa anumang materyal na bagay sa mundo. Tinanggap siya ni Hesus sa kabila ng kanyang mga kasalanan at kahinaan. Binigyan siya ng pagkakataon upang magbago. Kilalanin naman natin ngayon si Tomas, ang mapagdudang si Tomas. Kaiba siya sa mga apostol na nagdududa rin naman kay Hesus bilang Mesiyas, dahil si Tomas ay prangka. Sinasabi Niya ang kanyang mga pagdududa at saloobin. Hindi nya ito tinatago, at di rin niya alintana kung ano ang magiging tingin sa kanya ng iba, ang mahalaga, mabigyang linaw ang anumang pagdududa sa isip niya. Tingnan natin ang ating sarili: Ako ba si Pedro? Ako ba si Mateo, o Ako ba si Tomas? Manalangin tayo: Panginoong Hesus buksan nyo po ang aming puso’t isipan upang makilala namin ang aming sarili at bukas-palad na maialay ito sa paglilingkod sa iyo at sa aming kapwa. Amen.
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Enero 19, 2024 – Biyernes l Ikalawang Linggo ng Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.