Mabuting Balita l Enero 21, 2024 – Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon  episode artwork

EPISODE · Jan 20, 2024 · 5 MIN

Mabuting Balita l Enero 21, 2024 – Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Enero 21, 2024 – Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 10:13-16 May nagdala kay Hesus ng mga bata para hipuin niya sila. Ngunit pinagalitan ng mga alagad ang mga taong may dala sa kanila. At pagkakita ni Hesus, nagalit siya at sinabi sa kanila: “Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag n'yo silang pigilan. Sa mga tulad nga nila ang Kaharian ng Diyos. Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi papasok sa Kaharian ng Diyos ang di tumatanggap dito gaya ng isang maliit na bata.” At pagkakalong sa kanila ni Hesus, ipinatong niya sa kanila ang kanyang mga kamay para basbasan sila. Pagninilay: Viva Sto. Nino!!!  Naglalakad ako noon sa loob ng simbahan nang aking nadaanan ang isang mag-ina, na kung saan ang anak ay nag-iingay at naglalaro. Sabi ng nanay sa anak, “Anak punta ka dito. Behave ka. Magagalit si Father!” Naku! ginawa pa akong panakot upang tumahimik ang bata. Aminin, marami sa atin ang ginagawa ito!!!  Sa ating Mabuting Balita, pinapakita sa atin na hindi dapat katakutan si Hesus. Sa katunayan, dinala pa nga ng mga nakatatanda ang mga bata para basbasan ng Panginoon. Pero ano ang nangyari? Hinarang ng mga alagad ang mga taong may tangan-tangang mga bata. Ayaw ng mga alagad na maistorbo si Hesus sa pagtuturo,dahil na rin marahil likas sa mga ito ang pagiging maiingay at magugulo. Pero ano ang nangyari? Sa halip na hindi pansinin ang mga ito, nagsalita si Hesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata.”  And wait—papunta na tayo sa most exciting part—dagdag pa ni Hesus, “may Karapatan din ang mga bata sa kaharian ng Diyos … at sana tularan ang mga ito sa pagtanggap sa kaharian.” Ang ganda naman noon!!! Hindi lang kinilala ni Hesus ang karapatan ng mga bata, itinaas pa niya ang dignidad ng mga ito. Paano nga ba ang maging bata noon? Tinuturing silang the last, the least; and the lost – walang karapatan, walang silbi at tinig sa lipunan. Binago ni Hesus ang ganitong pananaw. Para kay Hesus, maging sino ka man; matanda ka man o bata, lahat tayo ay anak ng Diyos—may dignidad, may silbi at may tinig sa kaharian ng Diyos.  Mga kapanalig, sa ating pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Nino, muli tayong pinapa-alalahanan na si Hesus ay tunay na naging tao. Siya din ay naging bata, hanggang siya ay lumaki. Pangalawa, ang kaharian ng Diyos ay walang pinipili na lahi, edad, kulay, kasarian at estado sa Lipunan. Lahat ay may karapatan, kahit bata. Tayo ay mga anak niya at iyan ang mahalaga at hindi magbabago. Amen.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jan 20, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Enero 21, 2024 – Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 5:53

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on January 20, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!